Default Thumbnail

AirAsia, MPTC nasa ‘puso’ ang pasahero

April 7, 2022 Jun I. Legaspi 428 views

Jun LegaspiPASAHERO ang “PUSO” ng public transportation mapa-airplanes pa yan, vessel o barko, o kaya’y bus, taxi, jeepney o TNVS (Transportation Network Vehicle Services). Sabi nga mas maraming pagpipilian mas maganda dahil ang pasahero bilang end user ang makikinabang sa magandang serbisyo at abot-kayang presyo ng mga transport company.

Kaya talagang commendable ang kalulunsad na “Super App” ng AirAsia dahil natumbok ng management ang tunay na serbisyo para sa publiko in general dahil ito ay para sa lahat.

Wala ngang iba kundi si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, at Acting Sec. Emmanuel Caintic ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang nag-congratulate sa paglulunsad ng nasabing bagong AirAsia Super App para higit pang mapaglingkuran ang mga libo-libong loyal passengers ng AirAsia.

Ang concept ng nasabing app ay “One-Stop-Shop”, i-download mo ang app – lahat puwede, may kinalaman sa pagbiyahe mo, pagkuha ng ticket, hotel, at iba pang essential na kailangan mo.

Talagang ma-eenjoy ng publiko ang paggamit ang AirAsia Super App, dahil talagang napaka-essential sa pagbiyahe priority dito kasama ang mga partners ng kumpanya na may 700 flights, sa 3,000 destinations with 146 unique destinations.

Ngayon sabi nga ng mga unang nakasubok grabe, hindi lang pang-eroplano may serbiyo na rin sa paghatid sa airports at pagsundo sa bahay o hotel mo o kung nasaan ka man basta i-book mo lang. Kung gusto mo rin bumili ng pasalubong gamit ang Super App, darating sayo on time ide-deliver sa pintuan mo!

Ayon sa management marami pang ibibigay na serbisyo ang AirAsia sa mga susunod na araw.

Dahil sa AirAsia Super App, talagang spoiled ang pasahero at yung concept na “passengers is always right” at pagiging mabait at pag-aalaga sa mga pasahero at moral values obligations ay kitang-kita at damang dama sa bagong serbiyong ito ng AirAsia Airlines.

Ayon sa management, umasa ang mga pasahero ng AirAsia na marami pa silang innovations na ilulunsad para mas higit na mabigyan ng magandang serbisyo ang mga pasahero ng AirAsia sa abot-kayang pamasahe, siguradong bawat sentimo ay sulit.

Habang bumibiyahe ay nag-eenjoy higit sa lahat, safety ang lahat hanggang sa pag-touchdown ng bawat eroplano ng AirAisa.

Ayon sa management, tiyak na makikinabang ang 5 million followers ng AirAsia sa Super App dahil talagang 100% essential ito sa pagbiyahe.

Sir Ricky! Sir Steve! at Sir Carlo! Congratulations at mabuhay ang AirAsia Super App!

––––––––––

Nitong Tuesday naman dahil din sa SERBISYO PUBLIKO, inilunsad din ng Metro Pacific Tollways Corporation ang “MPT DriveHub” app bilang gabay ng mga motorista na bibiyahe sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), CAVITEX 5 Link, at Cavite-Laguna Expressway (CALAX) bilang paghahanda sa influx ng mga motorista na bibiyahe sa observance ng Holy Week.

Ayon kay Arlett Capistrano, ang MPT DriveHub ay all-in-one travel app available for free na maaaring i-download sa Apple Store at Google Play.

May tatlo itong gamit: una RFID transactions, trip planning, at emergency roadside assistance.

Ang MPT DriveHub ay talagang pinag-aralan ng mga expert personnel ng kumpanya dedicated para magamit ng mga motorista na bumibiyahe upang maging maayos ligtas, matipid, enjoy at kapaki-pakinabang sa bawat biyahe.

Gamit ang app madali mong ma-check ang toll fee balance mo kung kailangan mo nang mag-reload bago ka pa pumasok sa anumang expressways sa ilalim ng MPTC.

Kung sakaling hindi maiwasan at magkaroon ng vehicle disturbance madaling humingi ng assistance gamit ang app, click lang ang emergency roadside assistance at darating agad ang tulong.

Paliwanag ng MPTC management, napaka-friendly gamitin ang nasabing app at useful para sa lahat ng motorists.

Sa inyo AirAsia Super App at MPTC Mabuhay!

AUTHOR PROFILE