Aiai

Ai-Ai, dumepensa sa isyu ng pag-a-attitude

September 30, 2021 Ian F. Fariñas 311 views

DIRETSAHANG sinagot ni Ai-Ai de las Alas ang isyu ng diumano’y pagkakaroon niya ng attitude sa trabaho sa katatapos na virtual mediacon ng The Clash Season 4.

Depensa ng Comedy Concert Queen, malamang na nami-misinterpret lang siya ng mga tao dahil siyempre, may mga pagkakataon na napapagod din naman siya.

Dagdag niya, “O, ’pag sikat ka, maraming naiinggit sa ’yo. So kahit ikaw, alam mo na hindi sa sarili mo, gagawan ka nila ng pagkakataon na ganun.

“Maraming mga factor pero maganda du’n, hangga’t ’andito ka sa industriya, ibig sabihin, may tama kang attitude. Kasi ’pag wala na, alam mo na kung bakit.”

Sang-ayon si Ai-Ai kay kapwa-The Clash judge na si Christian Bautista na mas importante ang tamang work ethic at pag-uugali kesa talent para magtagumpay sa show business.

Kwento ni Christian, “For almost years, I’m pretty sure meron akong mga moment na ako ay nag-attitude. Pero I have to quickly learn from it, stop it, change it, learn how to, parang still continue to work, accept changes. And if you did something wrong, apologize and make up for it.

“Hindi ko sasabihin na ako’y perpekto rito, ’yung iba nag-a-attitude, it comes to you. Dumarating talaga. Kailangan ang goal mo pa rin for longevity. Work well with others and teach others what you have learned. What you don’t want them to do that you did kasi wala namang perpekto rito.”

Salo ni Ai-Ai, “Prangka. ’Yung kasikatan nakakapag-paiba naman talaga ’yan ng ugali. Ang maganda riyan, ma-realize mo, ‘Ah, parang nagbabago na ako. Baka magalit si Lord sa akin.’”

Madali naman daw mararamdaman kung may attitude na ang isang showbiz personality.

Paliwanag ng komedyana, “Ma-realize mo wala ka nang work. Ayaw na nilang makipagtrabaho.”

Sa ngayon, malaki ang pasasalamat sa GMA Network nina Ai-Ai at Christian, pati na ang mga kasamahan sa The Clash na sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Ken Chan, Rita Daniela at Lani Misalucha sa patuloy na pagbibigay ng tsansa, hindi lamang sa kanila, kundi maging sa contestants para maabot ang mga pangarap ngayong panahon ng pandemya.

Mapapanood na ang The Clash Season 4 tuwing Sabado (7:15 p.m.) at Linggo (7:40 p.m.) simula bukas, October 2, sa Kapuso channel.

DIRETSAHANG sinagot ni Ai-Ai de las Alas ang isyu ng diumano’y pagkakaroon niya ng attitude sa trabaho sa katatapos na virtual mediacon ng The Clash Season 4.

Depensa ng Comedy Concert Queen, malamang na nami-misinterpret lang siya ng mga tao dahil siyempre, may mga pagkakataon na napapagod din naman siya.

Dagdag niya, “O, ’pag sikat ka, maraming naiinggit sa ’yo. So kahit ikaw, alam mo na hindi sa sarili mo, gagawan ka nila ng pagkakataon na ganun. “Maraming mga factor pero maganda du’n, hangga’t ’andito ka sa industriya, ibig sabihin, may tama kang attitude. Kasi ’pag wala na, alam mo na kung bakit.”

AUTHOR PROFILE