Aiai

Ai-Ai at Gerald, titira sa Amerika

September 3, 2021 People's Tonight 229 views

TATAPUSIN muna ni Ai-Ai de las Alas ang pagiging judge niya sa season 4 ng Kapuso singing search na The Clash bago umalis papuntang Amerika.

Green card holder si Ai-Ai at naaprubahan na rin ang petisyon niya sa asawang si Gerald Sibayan kaya kailangan din niyang manirahan doon.

Tinanong namin ang Comedy Queen kung for good na ba silang mag-asawa sa States?

“Semi- semi na ganu’n pero dalaw ko pa din nanay ko dito,” reply ni Ai sa text namin.

Pero kahit nasa States, may nakalinya na siyang shows na gagawin mula sa GMA Pinoy TV.

Nasa Amerika rin ang isa niyang anak na si Nicolo Shaun.

XianMYRTLE, PUMALIT KAY KIM

AYAW pangunahan ni Xian Lim kung ano ang pinagdaraanan ngayon ng girlfriend niyang si Kim Chui.

Napansin ng ilang manonood ang sitwasyon ni Kim nang mapanood siya sa kinabibilangang noontime show.

“I am not at liberty to say kung ano ‘yon,” saad ni Xian sa virtual media event niya matapos pumirma ng kontrata sa GMA Network para sa seryeng Love, Die, Repeat.

Opisyal na ngang bahagi ng Kapuso si Xia. Kasalukuyan na siyang nasa lock-in taping ng una niyang series sa GMA bilang kapareha ni Jennylyn Mercado.

Dapat sana ay kasama rin sa cast si Kim Domingo. Pero tinamaan nga siya ng COVID-19 kaya hindi puwede magtrabaho.

Si Myrtle Sarossa ang pumalit sa dapat sana ay comeback project ni Kim. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE