Ai ai at Gerald muling nagpakasal

December 3, 2022 Aster Amoyo 99 views

TWENTY days apart lamang ang kaarawan ng mag-asawang Ai-Ai de las Alas at Gerald Sibayan.November 11 ang birthday ni Ai-Ai and she turned 58 on that day habang November 30 naman kay Gerald who turned 28 on his recent birthday.

The couple will be celebrating their 5th wedding anniversary sa darating na December 12 pero hindi na nila hinintay ang kanilang wedding anniversary celebration at muling nagpakasal ang couple to renew their wedding vows last Wednesday, November 30 na itinaon sa ika-28 birthday ni Gerald. Ito ay ginanap sa isang chapel in Las Vegas, Nevada. Sa Vegas din unang ikinasal ang singer-comedienne sa kanyang second husband na si Jed Salang na umabot lamang ng mahigit isang buwan.

Never na naging problema sa mag-asawang Ai-Ai at Gerald ang kanilang 30- year age gap dahil magkasundung-magkasundo ang dalawa sa lahat ng aspeto ng isang mag-asawa. Wala ring naging problema si Gerald sa mga mga anak ni Ai-Ai na sina Sancho, Nicolo at Sophia dahil lahat sila magkakasundo.

Nasa America ngayon ang mag-asawang Ai-Ai at Gerald kasama ang dalawang anak ni Ai-Ai (sa kanyang first ex-husband, ang singer-actor na si Miguel Vera) na sina Nicolo at Sophia. Tanging ang panganay ng singer-comedienne, ang actor na si Sancho ang naiwan sa Pilipinas.

Si Sancho ay anak ni Ai-Ai sa yumaong stage actor si Rey Malte-Cruz. Kasama si Sancho sa upcoming Metro Manila Film Festival movie ni Coco Martin at Jodi Sta. Maria na “Labyu with An Accent” maging sa Thanksgiving American Tour ng “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan nagkaroon siya ng chance to reunite with his family.

Nova

Jodi

Nova nakasama ang idol na si Coco

MULING nakatungtong sa bakuran ng ABS-CBN ang actress-comedienne na si Nova Villa sa press conference ng romance-comedy-drama movie na “Labyu with an Accent” kung saan sina Coco Martin at Jodi Ann Santos ang mga pangunahing bituin.

Si Nova na naging bahagi noon ng mga programa ng Kapamilya network sa loob ng 38 years pero mas madalas nang mapanood ngayon sa mga programa ng GMA kaya naging nostalgic para sa kanya ang muli niyang pagsampa sa bakuran ng Kapamilya Network.

First time ding nakapasok ng ABS-CBN compound ang Kapuso actress na si Rochelle Pangilinan dahil kasama rin siya sa cast ng “Labyu with An Accent” nina Coco at Jodi.

During the presscon of the movie na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS- CBN, inamin ni Nova na big fan umano siya ni Coco. Noon pa raw niyang pinangarap na makita ito nang personal at inasam na makasama sa trabaho either sa TV o sa pelikula.

Sa isang wake na parehong dinaluhan nina Nova at Coco ay nagkita ang dalawa. Since fan si Nova si Coco, hindi umano siya pumayag na wala silang picture na magkasama.

Hindi aware si Nova na noon pa pala siyang gustong kunini ni Coco sa “Ang Probinsyano” pero nagkakataon na meron itong ginagawang serye sa Kapuso network kaya hindi ito natuloy hanggang magtapos ang serye. Pero nang buuin ni Coco ang “Labyu with An Accdent” movie project ay hindi niya kinalimutan na isama sa cast si Nova na labis na ikinabigla at ikinatuwa ng komedyana.

“Nung una ay hindi halos ako makapaniwala pero nang mahimasmasan ako, doon lang ako naniwala na totoo na pala ito at hindi pangarap lang,” pag-amin ni Nova.

Although kakaunti lamang ang kanilang eksena ni Coco sa “Labyu with an Accent,” nagpapasalamat pa rin si Nova sa actor-director dahil isinama siya sa movie nito na isa sa mga kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival. “Sobra-sobra ang pasasalamat ko kay Coco dahil tinupad niya ang matagal ko nang pangarap na makatrabaho siya,” kumpisal ng veteran actress- comedienne.

Rico

Jennylyn todo ang paghahanda sa pagbabalik

NANGAKO ang Kapuso singer-actress na si Jennylyn Mercado na babalik siya sa acting sa unang quarter ng 2023 kaya todo ang kanyang exercise ngayon just to make sure na balik na sa dati ang kanyang katawan.

Kung matatandaan pa, hindi natuloy ang unang tambalan nina Jennylyn at Xian Lim sa GMA ang “Love. Die. Repeat” dahil buntis na noon ang singer-actress.

The TV series was put on hold hanggang sa makabalik si Jennylyn sa trabaho. Hinarap muna ni Jennylyn ang kanyang pagbubuntis, ang kanilang pagpapakasal in civil wedding rites ng husband na niya ngayon, ang Kapuso singer-actor na si Dennis Trillo na nangyari nung November 15, 2021. The intimate wedding ay ginanap sa TGIS Studio ng Kapamilya star na si Kathryn Bernardo in Quezon City. Pero bago nagpakasal ang couple ay nakapagsilang na noon si Jennylyn sa kanyang baby girl na si Baby Dylan.

Sylviasylvia1

Paalam, Sylvia la Torre

PUMANAW na sa edad na 89 ang tinaguriang First Lady of Philippine Television at Reyna ng Kundiman, ang singer, actress at komedyana na si Sylvia la Torre-Perez de Tagle sa kanilang tahanan sa Los Angeles, California, USA nung umaga ng December 1 at 7:02 kapiling ang kanyang mister of 68 years na si Dr. Celso Perez de Tagle at tatlo nilang mga anak na sina Arte, Bernie at Che-Che.

Si Sylvia ay scholar ng University of Santo Tomas Conservatory of Music kung saan siya ng nagtapos ng Music degree major in voice and minor in piano.

She was a coloratura soprano.

She started singing at age 5 nang siya’y sumali sa isang singing competition in Manila. During the war, siya’y nagtatanghal na sa teatro at nung 1948 ay naging regular performer na siya sa Manila Grand Opera House.

Ang panganay niyang anak na si Arte Perez de Tagle ay naging recording artist pa noon ng Vicor Music Corporation, then owned by first cousins Vic del
Rosario and Orly Ilacad.

She started doing movies in 1941 na kanyang sinimulan sa pelikulang “Ang Maestra” na sinundan ng “Biro ng Tadhana,” “Buhay Pilipino,” “Ulila ng Bataan,” “Gorio at Tekla,” “Munting Koronel” at marami pang iba. Nakagawa rin siya noon ng maraming TV sitcoms at nakapag-record ng napakaraming songs and singles kung saan niya na-earn ang taguriang na “Reyna ng Kundiman”. She recorded countless of songs at kasama na rito ang “Waray- Waray,” “Sampaguita,” “Katakataka,” “Sa Bukid,” “Singsing,” “Ay Kalisud,” “Ang Langit Ko’y Ikaw,” “Aling Kutsero,” “Arimunding-munding,” “Mutya ng Pasig,” “Alembong,” “Salawahan” at marami pang iba. Apo ni Sylvia ang Hollywood actress na si Anna Maria Perez de Tagle.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me On Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE