Ai-Ai, 5th member ng BLACKPINK
HANGGA’T maaari ay ayaw sumabak ni Comedy Concert Queen Ai-Ai de las Alas sa virtual performance. Paliwanag niya sa Zoom launch ng single niyang Siomai (what?) para sa Viva Records, para ka lang nanonood ng TV tuwing manonood ng virtual concerts.
Mas type raw niyang mag-perform sa totoong concert kung saan physically present ang audience at may rapport ang performer sa mga ito.
Ganunpaman, ayaw naman din ni Ai-Ai na magsalita nang tapos dahil may chance raw na i-try din niya mag-concert digitally kahit isang beses lang.
“Kahit isa lang sa birthday ko. Parang tayu-tayo lang, parang ‘’lika, pagtripan natin si Ai-Ai,’ ganu’n lang,” pahayag niya.
Malamang, totohanin ito ng komedyante, lalo pa nga’t sa parating niyang kaarawan ay magse-celebrate rin siya ng 31st year sa show business.
Pero bago ’yon, aalis muna si Ai-Ai para sa kanyang Green Card sa Amerika kung saan pwede na niyang isabay ang pagpapabakuna.
Samantala, may pagka-Koreana ang dating niya sa Siomai (what?) kaya naman binansagan na nga raw siyang 5th member ng sikat na all-girl Korean group na Blackpink.
Dedma si Ai-Ai sa bashers niya dahil hindi raw naman talaga nawawala ang mga ito lalo na ngayong may pandemic at marami ang nasa kanya-kanyang bahay lamang.
Ang reaksyon niya sa bansag na 5th member ng BLACKPINK?
“Natutuwa naman ako,” sagot ni Ai-Ai.
Abangan ang TikTok-worthy choreography ng Siomai (what?) na available na sa Spotify, Apple Music at YouTube music.
Ang official music video naman nito ay mapapanood sa Viva Records YouTube channel.
Hannah Precillas
Sessions
May dalang iba’t ibang emosyon ang Kapuso OST Princess na si Hannah Precillas sa kanyang bagong EP under GMA Music na pinamagatang Hannah Precillas Sessions.
Matutuwa ang listeners sa live performance niya ng mga kantang Munting Hiling ni Vehnee Saturno at originally performed by Kapuso host Willie Revillame; Hiram na Sandali ni Ella May Saison; Awit Kay Inay ni Carol Banawa; at ang bagong bersyon ng single niyang Sabi Ko Na Nga Ba.
Ibinahagi ni Hannah ang experience sa pagre-record ng EP: “It may not be perfect but I want to make sure na ‘yung mga taong makikinig nito ay hindi madi-disappoint. Kasi from the audio recording to video shoot, lahat ay aking ‘sariling sikap and diskarte’ because of the pandemic. But now, I am very happy and very excited for everyone to finally hear it and also I feel so grateful that I’ve done another milestone in my life.”
Dagdag pa niya, type niyang maka-inspire sa pamamagitan ng musika, “Gusto kong maiparating sa listeners that no matter what kind of challenges or hardships we face in our lives, if you’re passionate enough to fulfill your dreams and this makes you truly happy, you can surely do something about it to make it happen.”
Available ang Hannah Precillas Sessions sa GMA Music YouTube channel, Spotify, Apple Music, YouTube Music at iba pang digital stores worldwide. Kuha Ni IAN F. FARIÑAS