Phivolcs

Agusan del Sur niyanig ng 4.1 na lindol

September 17, 2023 People's Tonight 196 views

NIYANIG ng 4.1 na lindol ang Agusan del Sur noong Setyembre 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nagmula sa mga paggalaw ng tectonic plates bandang 11:04 ng gabi ang lindol, ayon sa Phivolcs.

Natukoy ang sentro ng paggalaw sa 9 na kilometro sa timog-kanluran ng Rosario, Agusan del Sur at may lalim na 11 kilometro mula sa ibabaw ng lupa.

Hindi inaasahan ng Phivolcs na magkakaroon ng mga aftershocks matapos ang lindol. Hindi rin inaasahang magdudulot ng malaking pinsala ang lindol.

AUTHOR PROFILE