Agot

Agot, tutulong sa kaso ni Daniel

July 24, 2022 People's Tonight 378 views

Tutulungan ni Agot Isidro si Daniel Padilla sa seryeng 2 Good 2 Be True ng Kapamilya Network na laging trending, in pernes.

Sinorpresa ni Agot ang mga manonood nitong Martes ng gabi (Hulyo 19) nang ipakilala niya ang sarili bilang abogado at dating guro ni Eloy (Daniel) sa Law school na si Roma Badayos.

Abangan kung paano matutulungan ni Roma at ng kanyang associate na si Atty. San Pedro (Elmo Magalona) si Eloy sa kanyang kaso.

Huwag palampasin ang gumagandang kwento ng 2 Good 2 Be True at panoorin ito nang advance sa Netflix Philippines o kaya naman ay sa iWantTFC.

Maaari rin itong subaybayan sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, Jeepney TV at iba pang digital platforms. Mercy Lejarde

AUTHOR PROFILE