Default Thumbnail

AgNor niyanig ng lindol

July 11, 2023 Zaida I. Delos Reyes 194 views

NIYANIG ng magnitude 4 na lindol ang Agusan del Norte nitong Lunes ng gabi.

Sa inilabas na update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang lindol dakong 10:57 ng gabi.

Naitala sa 7-kilometer northeast sa bayan ng Jabonga, Agusan del Norte ang epicenter ng lindol na may lalim na 17 kilometro.

Wala namang naiulat na nasugatan o napinsala sa naganap na lindol.