Age gap hindi isyu sa maraming celebrities

February 24, 2024 Aster Amoyo 152 views

Rico1Rico2HINDI na dapat ginagawang issue ang age gap among celebrity couples na nagmamahalan at nagkakaintindihan tulad na lamang ng mag-asawang Ai-Ai de las Alas at Gerald Sibayan na halos 30 years ang age gap pero hanggang ngayon ay sila pa rin at masaya ang pagsasama.

Sampung taon din ang agwat ng edad ng mag-asawang Sec. Ralph Recto at misis nitong Star for All Seasons, award-winning actress at dating politician na si Vilma Santos. Nariyan din ang mag-asawang Vic Sotto at Puleen Luna na halos 35 years ang agwat pero masaya ang kanilang pagsasama at may dalawa na rin silang supling, ang 6-year-old na si Talitha Maria at ang bagong silang na si Thia Marceline. Nariyan din ang mag-asawang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista na siyam na taon nang mag-asawa. Sen. Chiz is 54 at 39 naman si Heart with an age gap of 15 years.

Malaki rin ang pagitan ng edad ng magkasintahang Rico Blanco at Maris Racal na halos doble ang agwat pero smooth sailing ang kanilang relasyon at pagmamahalan.

Tulad ni Heart na crush ang mister na niya ngayon na si Sen. Chiz, ganundin si Maris sa boyfriend na niya ngayon, ang music icon na Rico.

Kilala si Rico sa pagiging tahimik laluna pagdating sa kanyang private life, pero kay Maris ay naging open siya sa kanilang relasyon sa publiko. Kahit ang naging relasyon noon ni Rico kay KC Concepcion (2003 to 2005)was not so public.

Marami rin ang nagtatanong kung may balak pa ba si Rico na mag-asawa. If ever, si Maris na nga kaya ang babaeng kanyang pakakasalan?

Almost five years na rin ang relasyon nina Rico at Maris na nagsimula nung March 24, 2019. Almost two years ding itinago ng dalawa ang kanilang relasyon until nag-desisyon ang young Kapamilya star, ang singer-songwriter at actress na ito’y isapubliko na rin.

Samantala, kagagaling lamang ni Rico sa kanilang much awaited successful reunion concert ng Rivermaya with Bamboo Manalac, Mark Escueta at Nathan Azarcon last February 17, 2024 na ginanap sa SMDC Festival Grounds in Panaranaque kung saan nagpakita ng suporta si Maris na may bitbit pang banner for Rico. Naroon din siyempre ang misis ni Mark na si Jolina Magdangal bitbit ang dalawa nilang anak na sina Pele at Vika.

‘GomBurZa’ umiikot na sa Amerika

GomburzaANG award-winning historical movie na “GomBurZa” na tinampukan nina Dante Rivero, Enchong Dee at Cedric Juan at kung saan may special participation si Piolo Pascual na pinamahalaan ng MMFF Best Director na si Pepe Diokno which was also screened in Hollywood sa 1st Manila International Film Festival (January 29 – February 2, 2024) ay kasalukuyang nag-iikot sa iba’t ibang mga sinehan sa America tulad ng San Diego, San Bruno, Carson, Union City, Milpitas, Vallejo, Cerritos, West Covina and Ontario, all in California. Ito’y palabas din sa Houston, Texas; Las Vegas, Nevada, New Jersey, Virginia, Hawaii, Guam at Saipan.

Ang “GomBurZa” ay joint productions ng JesCom Films, MQuest Ventures at SMB Film Services.

Ang pelikulang “GomBurZa” was the most awarded movie sa 49th Metro Manila Film Festival kung saan nanalong Best Actor ang baguhang actor na si Cedric Juan.

Sylvia lahat ginagawa para sa pamilya

SylviaSylvia1Sylvia2ZanjoeSUPER excited ang award-winning actress, film producer at entrepreneur na si Sylvia Sanchez sa nangyaring engagement sa pagitan ng kanyang anak, ang actress na si Ria Atayde at actor na si Zanjoe Marudo kamakailan lamang. Nakita kasi niya ang ipinakitang pagmamahalan ng dalawa.

Wala pa umanong definite date ang kasal ng dalawa at kung mangyayari ito sa loob ng taon ding ito.

Hindi ikinakaila ni Sylvia na gusto na rin niyang magkaroon ng apo sa kanyang anak na si Arjo Atayde at misis nitong si Maine Mendoza and eventually kina Ria at Zanjoe.

Si Ria ang tumatayong president-CEO ng family owned production business, ang Nathan Studios kung saan kasama sa mga incorporators ang magkakapatid na Atayde.

Ayon kay Sylvia, para sa kanyang mga anak ang itinayo niyang negosyo.

“Gusto ko silang matutong mag-negosyo habang mga bata pa sila dahil hindi naman panghabang-buhay ang pag-aartista,” ani Sylvia nang ito’y aming bisitahin sa kanilang tahanan sa isang exclusive subdivision in Quezon City.

Although nai-excite pa rin umano siyang magka-award, mas lalo umano siyang matutuwa kung isang international acting award ang kanyang makukuha balang araw, isang pangarap na hindi naman malayong mangyari.

Although nasanay sa marangyang buhay ang mga anak ng mag-asawang Sylvia at Art Atayde, ipinakita rin ni Sylvia ang kanilang payak na buhay sa Nasipit, Agusan del Norte for them to understand na siya’y (Sylvia) nagmula sa isang simpleng pamilya lamang sa Mindanao.

Very proud ang actress sa kanyang mga anak na may mabubuting puso laluna sa pagtulong sa mga taong mas nangangailangan. Ito rin ang nagbunsod sa kanilang panganay ni Art na si Arjo na pasukin ang larangan ng pulitika dahil gusto nitong makatulong at maglingkod sa kanyang nasasakupan. Taun-taon din ay nagpapadala ng tulong ang pamilya Atayde sa mga kababayan ni Sylvia sa Nasipit.

Sylvia was 10 years old nang iwan silang magkakapatid (6 of them) at ang kanilang teacher na ina ng kanilang seafarer father na never na nilang nasilayan since then. Nalaman na lamang nila na ito’y sumakabilang-buhay na sa ibang bansa and had a new family from a Brazilian wife at nagkaroon umano ito ng dalawa pang anak.

Growing up, nakita ni Sylvia ang paghihirap ng kanyang ina na sila’y igapang na magkakapatid kaya ipinangako niya sa kanyang sarili na siya umano ang tutupad sa obligasyong iniwan ng kanilang ama.

Pangalawa sa anim na magkakapatid, determinado si Sylvia na matupad ang kanyang pangarap para sa kanyang ina at mga kapatid at ito ang kanyang bitbit sa kanyang pagluwas ng Maynila.

It was not an easy climb to the top. Marami ring hinarap na challenges at problema si Sylvia pero nagtiyaga at naghintay siya na dumating ang tamang panahon para sa kanya.

Sylvia was able to build a house for her mother at sa kanyang mga kapatid sa isang compound in Mindanao and every once in a while ay umuuwi siya to check on them laluna ang kanyang mahal na retired teacher mother na nabigyan niya ng magandang buhay tulad ng kanyang pangako.

“Lumaki kaming magkakapatid na hindi namin naranasan ang kalinga at pagmamahal ng isang ama,” pag-amin ni Sylvia.

Nang siya’y lumuwas ng Maynila, sinubukan umano niyang hanapin ang kanyang ama pero hindi siya nagtagumpay dahil sa ibang bansa ito namirmihan with his new family. The last information she got ay pumanaw na umano ito pero wala man lamang daw nag-inform at nag-reach out sa kanila.

Lumaki umano siyang may grudge sa kanyang ama pero dumating ang panahon na pinatawad niya ito kahit hindi sila nagkita matapos silang iwan when she was ten years old.

“Lahat naman ng sugat ay naghihilom,” pahayag pa ni Sylvia.

Mula umano nang mapatawad niya ang kanyang ama kahit hindi ito nagpakita at nanghingi ng tawad sa kanilang ina at sa kanilang magkakapatid, naging magaan umano ang dating ng blessings sa kanya.

Sobrang naawa si Sylvia sa kanyang ina na sa mahabang panahon ay umasang babalik pa sa kanila ang kanyang ama. Nasa grade school pa si Sylvia nang malaman niyang may iba nang pamilya ang kanyang ama sa ibang bansa pero itinago umano niya ito sa kanyang ina ng maraming taon bago siya nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ito. Pero alam umano ito ng kanilang paternal grandmother.

“Nabigyan ko man ng magandang buhay ang nanay ko, mga kapatid ko sa probinsya, ang hindi ko lamang kayang ibigay sa kanila ay ang tunay na pagmamahal ng isang ama sa kanyang asawa’t mga anak,” pahayag pa ng award-winning actress.

“Lumaki kaming magkakapatid na wala sa aming tabi ang tatay namin,” aniya.

Samantala, kung unti-unti nang nagbubukas ang Hollywood sa mga Filipino actors, hindi kami magtataka kung sa isa mga araw na ito ay mapasok din ito ng panganay ng mag-asawang Sylvia at Art na si Arjo Atayde dahil sa mga naka-line-up na proyekto ng actor-politician na ipu-produce ng Nathan Studios in collaboration with foreign productions. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit madalas bumiyahe sa ibang bansa ang mag-asawang Sylvia at Art o di kaya ang mag-inang Sylvia at Arjo.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@aster_amoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE