Rico Blanco & Maris Racal

Age doesn’t matter for Maris and Rico

June 2, 2021 Aster Amoyo 193 views

AT 48, Filipino rock star, singer-songwriter, multi-instrumentalist, record producer, celebrity endorser, entrepreneur and one of the founding members ng rock group na Rivermaya in 1994, is in a relationship with Kapamilya young singer-songwriter, actress at vlogger na si Maris Racal (23). Huling rumored boyfriend ni Maris ay ang singer-songwriter-actor at kaisa-isang anak ni Piolo Pascual na si Inigo Pascual. Isa naman sa prominent personalities na nabalitang kasintahan noon ni Rico ay si KC Concepcion.

Age doesn’t matter sa pagitan nina Rico at Maris na may 25 years age gap. Ang dalawa ay unang nagkalapit sa pamamagitan ng isang music collaboration.

Ngayong inamin na ng ex-PBB housemate na si Maris ang kanilang relasyon ni Rico, mahihinto na ang mga espekulasyon tungkol sa kanilang dalawa.

Bagong game show ni Vice Ganda mapapanood na

DAPAT sana’y nung March 2020 pa nakatakdang magsimula ang kauna-unahang variety game show ni Vice Ganda, ang “Everybody Sing!” bilang kapalit ng kanyang comedy talk show na “Magandang Gabi Vice” na nagsimula nung May 22, 2011 at nagtapos sa ere nung March 8, 2020, isang linggo bago ang lockdown dahil sa pandemya.

Dahil sa lockdown, hindi natuloy ang pagpapalabas ng game show ni Vice Ganda dahil kasunod ay ang pagbasura ng prangkisa ng ABS-CBN na naging sanhi ng pagkakakansela na napakaraming programa.

Although mahigit isang taon ang paghihintay, mapapanood na rin sa wakas ang “Everybody Sing!” ni Vice Ganda simula sa Sabado, June 5 bilang kapalit ng ikatlong season ng “Your Face Sounds Familiar” na nagtapos nung nakaraang Linggo, May 30.

Napapanood si Vice Ganda araw-araw mula Lunes hanggang Sabado sa “It’s Showtime,” at mapapanood pa rin siya sa Sabado nang gabi kapag nagsimula na ang kanyang variety game show na “Everybody Sing!’.

Sa kabila ng pinagdaanan ng ABS-CBN, isa si Vice Ganda sa nanatili at patuloy na sumusuporta sa TV network kahit hindi pa naibabalik ang prangkisa nito.

Andrea mabilis ding nakabawi

ALTHOUGH last November 2020 lamang nagtapos ang mahigit isang taong relasyon sa pagitan ng Kapuso actors na sina Derek Ramsay at Andrea Torres at engaged to be married na ang una sa actress na si Ellen Adarna, nakapag-move on na rin sa kanyang buhay si Andrea na abala ngayon sa kanyang bagong TV series sa GMA, ang cultural drama series na “Legal Wives” kung saan din tampok na mga bituin sina Dennis Trillo, Alice Dixson at Bianca Umali among others.

Sa isang panayam with Derek, inamin ng actor na siya umano ang nag-initiate kanilang break-up ni Andrea sa pamamagitan lamang ng text message kaya naman marami ang nakisimpatiya sa Kapuso actress. At ang maganda, na-overcome na ni Andrea ang pagiging heartbroken by making herself busy with work at thankful siya na hindi siya nawawalan ng trabaho sa Kapuso network.

And surprisingly, may mga lumulutang na balita na si Andrea umano ang napupusuan na makapareha ng comebacking actor na si John Lloyd Cruz sa isang bagong TV sitcom na nakatakda umanong i-co-produce ng game show-host-producer and businessman na si Willie Revillame at ididirek ni Edgar `Bobot’ Mortiz.

Since freelancer na ngayon si John Lloyd, puwede rin silang muling magtambal ng kanyang perennial screen partner na si Bea Alonzo na isa na ring freelancer ngayon. Si Bea ay nakatakdang gumawa ng pelikula sa bakuran ng GMA Films at Viva Films na pagtatambalan nila ng Kapuso prized actor na si Alden Richards na sisimulan sa August.

Erich may bagong revenge TV series

AFTER her “The Blood Sisters” afternoon TV series in 2018 where she played triplets Eika, Carrie and Agatha, muling nagbabalik ang actress, entrepreneur and vlogger na si Erich Gonzales (30) sa pinakabagong revenge TV series na pinamagatang “La Vida Lena” na matutunghayan simula sa huling Lunes ng buwan, June 28. Ang nasabing serye na magkakatulong na pinamahalaan nina Jerry Lopez Sineneng, Jojo Saguin at Andoy Ranay under Dreamscape Entertainment ay tinatampukan din nina JC de Vera, Kit Thompson at Carlo Aquino at kung saan din kasama sina Sofia Andres, Janice de Belen, Agot Isidro at iba pa.

Ang unang season (10 episodes) ng serye ay ipinalabas na sa iWant TFC sinula nung November 14, 2020.

Si Erich na isa ring successful celebrity vlogger with 1.55M subscribers is rumored to be in a relationship with a young businessman (from a well-off family) na si Matteo Lorenzo since 2018.

Personal

HAPPY birthday today, June 3 to my sister Estrella Amoyo-Anabeza.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE