Agahan

Agahan para sa mga batang Sampaloc ‘Breakfast mo, sagot ko’

July 16, 2021 People's Tonight 215 views

Mga 200 bata ang nakinabang sa Algeciras corner Espana, Bgy. 473 sa kanto ng Sampaloc, Manila sa agahan na inihanda para sa kanila.

Sa mga payak na pamamaraan na tulad nito, maaalis sa murang isip ng mga bata na matakot sa pulis. Bilang mga kawal tagapamayapa, sila ay naririyan para proteksyunan at gabayan ang mga bata. Minsan sa buhay ay may pulis Maynila na humuhubog sa pagkatao nila.

Sa pamamagitan ng personal na pagluluto ng simpleng almusal ay ipinakikita sa mga batang ito kung gaano sila pinahahalagan bilang susunod na tagapagtaguyod ng bayan.

Sa ilalim ng ama ng hanay ng punong taga timon ng pulis Maynila, PBGen Leo Manaog Francisco, ay patuloy silang nag-iisip ng iba’t ibang paraan para ang presensya nila ay magiging biyaya sa iba, bilang PNP – “Pulis Nyo Po, Pulis Ng Pilipino.”

Ito ay inilunsad sa pagtutulungan ng Manila Police District at Zitro Jaca Event and Catering Services sa pamumuno ni Capt. Philipp Ines, ng Public Information Office ng MPD.

Ang Sampaloc Police Station sa ilalim ng lederato ni PLTCol. Gene Morallos Licud ay patuloy na nagsisilbing biyaya sa iba sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain at mga grocery items para sa mga kababayang nasa laylayan ng lipunan. Francis Naguit/ Photo by JonJon Reyes

AUTHOR PROFILE