
Aga proud dad kina Andres at Atasha
Proud daddy si Aga Muhlach sa kanyang anak na si Andres Muhlach who bagged the Best New Male TV Personality at the 38th PMPC Star Awards for Television held last Sunday at the ABS-CBN Dolphy Theater.
Nagwagi si Andres para sa first TV show niyang “Da Pers Family” ng TV5.
Ibinahagi ni Aga sa Instagram ang mga larawan ni Andres mula sa naturang awards night at dito pa lang ay ramdam mo na ang kasiyahan niya sa achievement ng anak.
“Blessings coming your way, son. Keep up the good work. God be with you always. Always remember, His plans not ours. Congratulations!!! Proud of you ! Love you, man!” mensahe ni Aga kay Andres.
Hindi lang sa anak na lalaki proud si Aga kundi maging sa daughter din niyang si Atasha na nakatakda namang magbida sa isang Viva One series.
Ayon kay Aga, naiiyak siya sa tuwa sa kanyang kambal na anak.
“And to you as well my dear daughter! Continue to do good work. Proud of you both! Love you Tash! Grabe kayong dalawa! Naiiyak ako sa tuwa! Continue to spread love and kindness!” ani Aga.
Nag-post din ang ina ni Andres na si Charlene Gonzales at proud na ibinahagi naman ang video ng winning moment ng anak.
“Congratulations my dear son for winning in the recent 38th Star Awards for television, for being the best new male tv personality. Maraming Salamat Sa @vivaartistsagency family sa tiwala na binibigay niyo po kay Andres. Boss vic, Boss @veroniquecorpus Boss Vincent Boss Val & @cuuuhryl for your love and support. We love you all. Maraming Salamat din sa @tv5manila at sa Da per family were Andres received this recommendation. at Taos puso din po kami nagpapasalamat sa lahat ng supporters ni @aagupy & sa pamilya namin. Habang buhay kayo na nasa puso namin kayo. We love you all and we thank from the bottom of our hearts. All for Gods glory.
We love you all @aagupyAndres,” caption ni Charlene.
Samantala, sa acceptance speech ni Andres ay binanggit din niya ang kanyang ama na siyang inspirasyon niya as well as his whole family at nagpasalamat for supporting him.
“Two years ago, I received an award on behalf of my father, at aaminin ko na that time sobrang kinakabahan talaga ako. At two years later, nandito ako receiving my first award, at siyempre kinakabahan pa rin ako,” saad ng sumisikat na aktor.
“I’d also like to thank my family, my father who was also an inspiration to me, my mom who continues to help me every single day, and of couse my sister who I love so much,” sey pa ni Andres.