Masked

Aga, Billy, Matteo at Direk Bobet, nag-bonding sa pagmo-motorsiklo

November 8, 2021 Ian F. Fariñas 230 views

CUTE na cute ang netizens sa ipinost na litrato ni Aga Muhlach sa Instagram kamakailan kung saan kasama niya sina Matteo Guidicelli, Billy Crawford at Direk Bobet Vidanes.

Mukhang bonding sa pagmo-motorsiklo ang eksenang iyon ng magkakaibigan na hindi man sinabi ng aktor ang location ay may mga nag-comment naman na mukhang sa Pampanga ito kinunan.

Anyway, maging sina Wilma Doesnt, Karen Davila at Luigi Muhlach (anak ni Aga kay Janice de Belen), nakuwelahan sa caption ni Aga na: “’Yung tipong naka big bike ka Pero field trip pala may wacky pa! Hahaha #maskedsingerpilipinas @billycrawford @matteog @direkbobetvidanes Fun day! til our next ride…. Field trip pala! #spreadingloveandgoodvibes”

Magkakasama sina Billy, Aga at Matteo sa nalalapit nang bumalik na Masked Singer Pilipinas Season 2 habang si Direk Bobet naman ay director ni Billy sa Born to be A Star, parehong umere sa TV5 mula sa Viva TV.

AUTHOR PROFILE