Aga4

Aga at Julia kinakabahan sa isa’t isa

July 5, 2023 Aster Amoyo 328 views

Aga5PAREHONG excited sina Aga Muhlach at Julia Barretto sa kanilang upcoming team-up in a movie na unang beses nilang gagawin, ang “Forgetting Canseco,” isang May-December romance-drama movie mula sa panulat at direksyon ni Denise O’Hara under Viva Films.

Last Tuesday evening ay isang story conference ang ginanap sa board room ng Viva to formally announce the said project.

Si Julia (26) ay pamangkin ng aktres na si Claudine Barretto (43) na dalawang beses naka-trabaho ni Aga (53) sa pelikulang “Kailangan Kita” nung 2002 na pinamahalaan ni Rory Quintos under Star Cinema.  Muling nagtambal ang dalawa sa pelikulang ‘”Dubai” in 2005 na dinirek pa rin ni Direk Rory sa ilalim ng Star Cinema.

Si Julia is just a few years older sa twins ni Aga and his wife na si Charlene Muhlach na sina Atasha at Andres Muhlach who will be turning 23 sa darating na November 5.

Gaganap namang bilang wife ni Aga in the movie ang dating beauty queen-turned actress na si Cindy Miranda. Makakasama rin sa movie sina Nonie Buencamino, Buboy Garovillo, Frost Sandoval, Jean Kiley, Mimi Marquez, Nicole Omillo, Janine Tenoso, Taneo Sebastian at iba pa.

The movie will be shot in Baguio City.

Ayon kay Julia, dream come true umano ang nasabing proyekto para sa kanya dahil isa si  Aga sa mga actor na gusto niyang makatrabaho.  Hindi rin ikinakaila ng panganay  ng dating mag-asawang Marjorie Barretto at Dennis Padilla na nakakaramdam umano siya ng kaba ngayong matutupad na ang kanyang parangap na makapareha ang mister ng dating beauty queen-turned actress-host na si  Charlene Gonzalez.

Nakakaramdam din umano si Aga ng kaba dahil 27 years ang kanilang age gap at halos kasing edad lang si Julia ng kanyang kambal na sina Atasha at Andres.  But first and foremost, pareho umano silang actor ni Julia and they will just be portraying a role assigned to them.

Last theatrical movie ni Aga ang Philippine adaptation ng South Korean hit movie na “Miracle in Cell #7” na nag-number 1 sa 2019 Metro Manila Film Festival.  Habang ang kanilang balik-tambalan ni Alice Dixson in 28 years, ang “Nuuk,” isang psycho-thriller movie ay ipinalabas on a pay-per-view ng Sky.  The movie was shot in Greenland and was featured in the 5th Danish Film Festival  na dinirek ni Veronica Velasco.

Dahil sa pandemic, nabalam ang paggawa ni Aga ng follow-up movie projects and he’s glad na halos balik na rin sa normal ang lahat.  Ang medyo nakakalungkot lamang ay hindi pa rin gaanong naibabalik ang interes ng tao sa panonood ng pelikula sa mga sinehan dahil sa rami ng choices on streaming platform.

Samantala, Aga will portray the role of Michael Capistrano, hiwalay sa asawa at isang conductor ng isang local chorale habang si Julia plays the role of Jasmine Rodriguez na isang member ng isang kilalang choir, maganda at  Isang independent and outspoken lady na bagong hiwalay sa kanyang dating kasintahan.

Atasha wala nang dahilan para pigilan sa pag- aartista

AtashaAtasha4Atasha5ISANG araw bago ang story conference ng pelikulang “Forgetting Canseco” na pagbibidahan nina Aga Muhlach at Julia Barretto mula sa panulat at direksyon ni Denise O’Hara ay lumagda ng exclusive management contract sa Viva Artists Agency (VAA) ang other half ng Muhlach twins na si Atasha.

Even at an early age ay nakakitaan na si Atasha ng hilig na pasukin din ang mundo ng kanyang parents na sina Aga at Charlene Gonzalez-Muhlach at pinayagan lamang siya ng kanyang parents nang tapusin niya ang kanyang pag-aaral sa United Kingdom.

Masaya pareho sina Aga at Charlene na tinupad ni Atasha na tapusin muna ang pag-aaral nito sa college bago ito pumasok sa showbiz.  That was the deal kaya wala nang rason ang kanyang parents na hindi siya payagan

Tulad ng kanyang celebrity parents, si Atasha ay nagmula sa showbiz royalty not only because anak siya nina Aga at Charlene kundi paternal grandmother niya ang yumaong movie queen na si Amalia Fuentes at tiyuhin naman niya ang dating child superstar na si Nino Muhlach maging sina AJ at Andrew Muhlach na nasa showbiz na rin.   Mga tiyahin din niya sina Arlene at Almira Muhlach. Pinsan naman niya ang dating child star na si Alonzo Muhlach maging ang Sparkle GMA Artist na si Sandro Muhlach.  Cousin din niya si Allyssa Muhlach.  Paternal grandfather naman niya si Cheng Muhlach.  Maternal grandma naman niya ang veteran actress na si Elvie Gonzales.

Ngayong nasa bakuran na si Atasha ng Viva, gusto niyang i-explore ang kanyang pagiging isang singer, dancer, actress at performer.

As early as ten years old ay gusto na noon si Atash na pasukin ang showbiz pero ipinaunawa sa kanya ng kanyang parents na priority  sa kanya ang tapusin muna ang kanyang pag-aaral na kanya namang tinupad.

Now that she’s through with her college at nasa edad na rin (22), wala na umanong magiging balakid sa kanyang pagpu-full time sa kanyang showbiz career sa tulong ng kanyang home studio, ang Viva.

Bukod sa acting, gusto rin ni Atasha maglabas ng sarili niyang single and album dahil ang singing ay isa sa kanyang passion.

Natutuwa rin ang dalaga dahil bukod sa kanyang parents ay napaka-supportive sa kanya ng kanyang Lola Elvie.

Since nasa bakuran siya ng Viva, marami siyang gustong makatrabaho in the future at kasama na rito sina Sarah Geronimo at Anne Curtis and even her dad na si Aga Muhlach.

In-assure naman si Atasha and her parents ng Viva big boss na si Boss Vic del Rosario that she’s going to be the next important star bagay na ikinatuwa ng dalaga.

Ngayong nag-sign-up na si Atasha sa Viva, sumunod kaya sa kanya ang kanyang twin brother na si Andres na nag-aaral naman sa Spain?

Direk Joven naniniwala sa kakayahan ni Lizzie

ANG 15-year-old na si Lizzie Aguinaldo ang pinakabagong recording artist ng Star Music at kare-release pa lamang ng kanyang debut single na pinamagatang “Baka Puwede Na” na sinulat ng award-winning composer na si Joven Tan nakilala rin bilang writer-director.

Naniniwala si Direk Joven na malayo umano ang mararating ni Lizzie bilang isang promising artist .

Ayon kay Lizzie, walong taong gulang pa lamang siya ay alam na umano niya ang direksyon na gusto niyang tahakin – singing, recording and performing.  Bukas din umano siya sa posibilidad na pasukin ang acting kung may pagakakataon

Si Lizzie ay nagmula sa  prominent family  ng mga Aguinaldo sa Cavite at isa sa great grandchild ng bayaning si Emilio Aguinaldo.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBI with Aster Amoyo” on my YouTube channel.  Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE