Aga at Charlene nagpositibo sa virus sa Amerika

January 13, 2022 Aster Amoyo 372 views

WALANG pinipiling tao, lugar at oras ang kakapitan ng Covid-19 virus dahil kahit ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales ay nag-positibo habang sila’y nagbabakasyon sa Amerika nung nakaraang Christmas at New Year holidays where their son Andres joined them. Mabuti na lamang at nag-negatibo sa RT-PCR test si Andres kaya nakabalik ito ng Spain safely kung saan siya nag-aaral. Samantala, sina Aga at Charlene ay naghihintay na lamang na mag-negatibo sa kanilang test at lilipad na sila pabalik ng Pilipinas. May dalawang TV programs sa Net25 si Aga bilang host.

Habang patuloy sa pag-surge ang mga nagpo-positibo sa virus, lalong dumaraming celebrities ang kinakapitan nito. Marami-rami ring broadcast journalists ng ABS-CBN at GMA ang nag-positibo rin sa virus pero karamihan sa mga ito ay nakabalik na rin sa kanilang mga trabaho.

AngelEduAngel at Edu magsasama sa adaptation ng isang French series

IBINALITA ng acclaimed director na si Erik Matti sa kanyang Facebook account na nakatakda nilang i-produce ng kanyang business partner na si Dondon Monteverde ang Philippine adaptation ng French hit series na “Call My Agent” which he himself will direct habang si Dondon naman ang executive producer ng serye na nakatakdang simulan sa buwan ng Abril o Mayo sa taong kasalukuyan para sa HBO Go. Ang local adaptation ng “Call My Agent” ay tatampukan nina Angel Locsin at Edu Manzano.

Alam ng lahat na ex ni Angel ang anak ni Edu na si Luis. Angel is now happily married to her businessman-producer-director Neil Arce.

Samantala, kapansin-pansin ang malaking ibinaba ng timbang ni Angel. Lomobo ang aktres-philanthropist dahil sa kanyang mga gamot na tini-take na may kinalaman sa kanyang back ailment (disc bulge) na siyang naging dahilan ng kanyang pagba-back out sa movie remake ng “Darna” in 2015.

MorenaTatlong magkakapatid sabay-sabay na kinuha ng Viva

SABAY-SABAY na lumagda ng kontrata sa Viva ang magkakapatid na Angela Morena, Stephanie at Micaela Raz nung isang taon. Ang tatlong magkakapatid ay pamangkin ng dating sexy star na si Lara Morena na siyang gumagabay sa kanila.

Si Angela ay agad binigyan ng dalawang magkasunod na pelikula ng Viva, ang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie Aussie O Sige!” na pinagbidahan nina Janno Gibbs, Andrew E. at Dennis Padilla. Ang nasabing pelikula ay dinirek ng actor-director na si Al Tantay. Tapos na ring gawin ni Angela ang “Kinsenas Katapusan” na pinamahalaan ni GB Sampedro at siyang launching movie ni Ayanna Misola at kung saan din tampok sina Joko Diaz, Kier Legaspi, Jamilla Obispo at ang 2019 Miss Earth Philippines na si Janelle Tee. Ang nasabing pelikula ay nakatakdang mapanood sa Vivamax sa darating na February 4.

Kahit kasisimula pa lamang ng bagong taon, dalawang movie projects ang magkahiwalay na sisimulan ni Angela (whose screen name ay hango sa kanyang aunt na si Lara Morena). Ito ay ang “Iskandalo” na pamamahalaan ni Roman Perez, Jr. at pagsasamahan nila nina Cindy Miranda, Angeli Khang, Ayanna Misola at Vince Rillon. Ang isa pang bagong movie na kanyang gagawin ay ang “X Deal 2” with Lawrence Fajardo at the helm kung saan naman niya makakasama sina Rob Guinto at Axel Torres.

Ang nakababata namang kapatid ni Angela Morena na si Stephanie Raz ay sunod-sunod din ang movie assignments matapos siyang ipakilala sa “Pornstar 2: Ikalawang Putok” mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap. Habang si Micaela Raz is still waiting for her debut project with Viva.

AlmaAlma walang pinagsisihan

AYON sa dating sexy actress at politician na si Alma `Ness’ Moreno, wala siyang pinagsisihan sa mga lalaking minahal niya in the past at naging mga ama ng kanyang mga anak dahil nagmahalan daw sila ng mga ito during their time.

Wala ring gaanong nakakaalam na ang kanyang first showbiz boyfriend when she started in the business ay ang yumaong singer-actor at dating matinee idol na si Walter Navarro. Since they were both in their teens, tumagal lamang umano ng isang taon ang kanilang relasyon lalupa’t nakabantay parati sa kanya ang kanyang mom na si Mommy Jean.

Ang yumaong action star na si Rudy Fernandez, ama ng kanyang panganay na anak na si Mark Anthony Fernandez ang first serious boyfriend ni Ness (palayaw ni Alma).

“Sobra talaga kaming na-in love sa isa’t isa noon ni Daboy (Rudy Fernandez). Madalas kaming tumatakas noon sa shooting and there was even a time na sumampa ako ng bakod (using an improvised wooden ladder) para magkita lamang kami sa kabilang bakod,” natatawa niyang kuwento.

Since bata pa nu’n si Ness, hindi pa umano siya naniniwala noon sa kasal kahit niyakag umano siya ni Daboy nang kanyang ipagbuntis si Mark Anthony. Although tumagal din ang kanilang relasyon ng ilang taon, nauwi rin sila sa hiwalayan. Pero ang maganda, nanatili ang kanilang pagiging close na magkaibigan pati ng misis ni Daboy na si Lorna Tolentino.

“Wala kaming naging issue ni LT na kumare ko pa. Thankful nga ako sa kanya dahil minahal at inalagaan din niya si Mark tulad ng sariling anak. Ninang siya (LT) ni Yeoj (panganay na anak ni Ness sa kanyang ex-husband na si Joey Marquez). Tumulong din siya nang magka-problema si Mark,” kuwento pa ng actress at dating politician.

Nang magkahiwalay sila ni Daboy at mag-asawa ito kay LT, dumating naman sa kanyang buhay ang Comedy King na si Dolphy. Ayon kay Ness, ginagawa umano nila ni Dolphy ang pelikulang “Titser’s Pet” in 1981 na manligaw ito sa kanya. Idinaan umano ng yumaong komedyante sa pagpapadala ng maraming masasarap na pagkain at bulaklak hanggang mahulog umano ang kanyang loob dito.

Sina Alma at Dolphy ay nagkaroon ng isang anak, si Vandolph na isa ring actor-comedian at politician. Tumagal din ang kanilang relasyon ng mahigit isang dekada.

After Dolphy ay dumating naman sa kanyang buhay ang actor-comedian at dating politician na si Joey Marquez. Although magkaibigan na sila nito nung ginawa nila ang mga pelikulang “Diary of Cristina Gaston” at “Nympha,” it was in the movie “Kapalit” nang magsimulang manligaw sa kanya si Joey hanggang sa ito’y mauwi sa kanilang pagpapakasal. Nagkaroon sila ng apat na anak na sina Yeoj, Winwyn, Vitto at MM. Pero nauwi rin ito sa hiwalayan and their marriage was annulled in 2004. In 2009, muling nagpakasal si Ness sa dating mayor ng Marawi City na si Sultan Fahad `Pre’ Salic sa traditional Muslim wedding rites. Ang dating mag-asawa ay nagkaroon ng isang anak, ang 12-year-old na ngayon na si Alfa.

Hindi man naging successful ang pagsasama nila ng kanyang mga nakarelasyon at naging ama ng kanyang mga anak, walang pinagsisihan ang dating sexy star.

“Blessing sa akin ang mga anak ko,” ayon pa kay Ness na meron nang pitong apo sa kanyang mga anak.

“They are my joy,” diin pa niya.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE