Default Thumbnail

AFP katuwang ng PCG sa SAR ops sa 7 nawawalang mangingisda sa Palawan

May 30, 2022 Jonjon Reyes 287 views

KABALIKAT na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nagpapatuloy na “search and rescue” (SAR) operation sa pitong mangingisda na nawawala matapos mabangga ng cargo vessel ang kanilang fishing boat sa Palawan.

Tumulong din ang barko ng Philippine Navy PC 370 at eroplano ng Philippine Air Force (PAF) upang libutin ang karagatan kung saan maaaring napadpad ang mga nawawalang mangingisda.

Nangyari ang insidente noong Sabado sa pagitan ng MV Happy Hiro na isang cargo vessel at ang fishing boat na FB JOT-18 sa Maracanao Island sa Agutaya, Palawan.

Sa 20 mangingisda, 13 lamang ang na-rescue na pawang mga nagtamo ng galos sa katawan habang nanatiling missing pa rin ang pitong iba pa.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, kasalukuyan bina-validate ang “lead” kung ano ang sanhi ng banggaan.

AUTHOR PROFILE