Dantes

Address ng bagong bahay nina Dingdong at Marian, pahulaan

November 11, 2022 Jun Nardo 385 views

NAKALIPAT na nga sa sariling bahay ang Dantes family — Dingdong, Marian at mga anak na sina Zia at Sixto.

Tanging, “Home sweet home” ang caption ni Yan sa kanyang Instagram post ng isang krus at gayundin si Dong.

Pero walang nakalagay kung saan ang bagong bahay nila. Maging sa well-wishers nila, eh, walang inilalagay kung saan nakatira ang pamilya.

Pero sa isang vlog ng fan site nina Dong at Yan, may konting pasilip ng foyer ng haus at pink room ni Zia.

Siyempre, sa panahon ngayon, kailangan triple ang ingat at huwag post nang post sa pribadong parte ng buhay.

Saka, sensitive naman sina Dong at Yan at never ipinagyabang sa kanilang social media ang mga importanteng milestone sa kanilang buhay, huh!

‘SUPER AMERICAN CIRCUS,’ SWAK SA KAPASKUHAN

SWAK na swak ang pagdating sa bansa ng Super American Circus sa bansa ngayong Christmas season.

Sabik na sabik na rin kasi ang mga tao lalo na ang mga bata sa ganitong palabas. Ang palabas na ito sa bansa ay nagkaroon ng katuparan dahil sa Newport World Resorts at SGE Productions.

Jackpot ang press na naimbita sa presscon ng The Super American Circus last November 8 na ginanap sa Century Seafood Restaurant sa Century Park Hotel, Manila dahil mahal na tickets ang ibinigay sa kanila.

Ang performances ng Super American Circus ay magsisimula sa December 21 at available ang tickets sa SM Tickets: P5,000, P4,000, P2,000 at P1,000.

Magkakaroon din ito ng charity show para sa mga streetchildren kaya wait tayo ng announcement.

AUTHOR PROFILE