Guess

Actor-director bossy na nga, slave driver at reklamador pa!

December 8, 2023 Jun Nardo 130 views

BOSSY na nga, slave driver pa itong kilalang aktor na nabigyan na rin ng break sa pagdidirek.

Eh, kapag aktor ang trabaho niya, ang dami niyang demands at reklamo sa role niya, huh!

Mabuti sana kung rater siya sa telebisyon kaso hindi naman.

Tapos, kapag director ang role niya, ayaw niya ng maraming staff na nakapalibot sa kanya. Ayaw din niyang bano ang stars na nakakasama niya at gusto niya, laging take one ang eksena ng mga artista niya.

Kaya naman kapag nakikita si actor-director ng staff, pinangingilagan siya at ang pagigiing reklamador at slave driver ang nakikita sa kanya, huh!

‘Yung iba naman, ayaw siyang makasama sa trabaho.

Feeling ng ilan, baka problemado sa kanyang lovelife ngayon ang actor-director.

DAHILAN NG SINASABING HIWALAYAN: THIRD PARTY O PERA?

NAGPASABOG na si Annabelle Rama kaugnay ng anak niyang si Richard Gutierrez.

Sa pahayag ni Tita A sa isang report, isang buwan nang nakatira sa kanya ang anak na si Richard. Pero wala siyang nabanggit tungkol sa asawa ng anak na si Sarah Lahbati, huh!

Patunay ba ito na hiwalay na sina Chard at Sarah? Sa anong dahilan — third party ba o pera?

Naku, your guess is as good as ours, kaya abangers tayo sa development ng isyu kina Richard at Sarah, huh!

AUTHOR PROFILE