ACT-CIS tutulong muli kapag na-entend ang ECQ
MULING magpapadala ng tulong ang ACT-CIS Partylist sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila sakaling ma-extend ang lockdown matapos ang Agosto 20.
“Nahatiran na halos lahat ng LGU (local government unit) sa NCR (National Capital Region) last week, kaya naghahanda na kami sa second round ng rice and canned goods distribution sa mga LGU just in case tuloy ang ECQ (enhanced community quarantine) after August 20,” sinabi ni ACT-CIS Cong. Eric Yap.
Ayon kay Cong. Yap, naglaan sila ng P15 million para sa food relief sa Metro Manila last week.
“Personal na budget po namin nina Cong. Jocelyn Tulfo at Cong. Nina Taduran ang pinambili po ng bigas at si Erwin Tulfo, na chairman po ng ACT-CIS ang nagbigay ng mga delata,” ayon kay Yap.
“Nakikipag-ugnayan na rin kami sa mga LGU sa labas ng Metro Manila na nasa ECQ din para mahatiran din namin ng tulong,” ani Cong. Yap.
Paalala naman ni Yap sa mga tao na sumunod sa health protocols at magpabakuna na para mapigilan o mapabagal man lang ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.