Yap

ACT CIS suportado si BBM

April 17, 2022 People's Tonight 79 views

SUPORTADO ng ACT CIS Partylist si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa panawagan nitong pagkakaisa o “unity” at sa pangakong ipagpapatuloy ang mga programang nasimulan ng Duterte administration.

Ayon kay Edvic Yap, nominee ng ACT-CIS, sa halip na bumanat, pagkakaisa ang tema ng BBM-Sara team na kanilang nagustuhan.

Ani Yap, ang ibang kandidato ay panay puna at banat ang ginagawa habang ang UniTeam ay pilit inaabot ang kamay para sa pagkakaisa tungo sa recovery ng bansa sa pandemic at pag-unlad ng ekonomiya.

Kilalang kaalyado ng Duterte Administration ang ACT CIS kaya natuwa ito ng sabihin ni BBM na ipagpapatuloy ang mga hindi natapos na proyekto ni Pangulong Duterte.

“Napakaganda ng Build Build Program ni PRRD at tanging si BBM lang ang nangako na ipagpapatuloy niya ito sakaling mahalal na pangulo,” dagdag pa ni Yap.

Nangako si Yap na kapag naibalik sila sa Kongreso, susuportahan lahat ng priority bills ni BBM kapag nailuklok din ng mga tao ito sa Malacanang.

AUTHOR PROFILE