
ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, pinagtibay muli suporta sa Las Pinas
MAINIT na tinanggap nina Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar ang ginawang pagbisita sa lungsod ni ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na kandidato sa pagka-senador ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.
Sinabi ng mag-inang Aguilar na ang ginawang pagbisita ni Rep. Tulfo sa lungsod ay sumasalamin sa matagal at magandang relasyon ng kanilang pamilya, simula pa sa panahon ng namayapang si dating Mayor Nene Aguilar.
Buong puso ring pinasalamatan ni Vice Mayor April si Tulfo sa aniya ay hindi matatawaran nitong suporta sa maraming taon, lalu na noong kasagsagan ng pandemyang dulot ng COVID-19 na nagbigay ng lubos na tulong sa kanilang lungsod.
Inilahad din ng bise alkalde kung paano sila pinakitunguhan si Tulfo bilang parte ng kanilang pamilya dahil sa patuloy niyang suporta sa kanilang adhikain ni Mayor Mel Aguilar sa pagseserbisyo publiko.
Pinuri naman ni Tulfo ang pamana ng serbisyong naiwan ni Mayor Nene na naghatid ng positibong epekto sa Las Pinas at ang patuloy na tiwala ng komunidad sa liderato ng Aguilar.
Bilang patotoo sa kanyang adbokasiya na “Kakami ng inaapi” tiniyak ni Tulfo na tutuparin niya ang pangakong suporta sa pamilya Aguilar at sa mamamayan ng Las Piñas.
Isang motorcade naman sa Las Pinas ang isinagawa ng kongresista kasama si Alelee Aguilar, na nagsilbing oportunidad para sa mga namumuno na kumonekta sa mga residente at pagtuon ng pansin sa mga pinagsisikapang serbisyo publiko.
Naninindigan ang Pamahalaang Lungsod ng Las Pinas na isusulong nila ang pakikipagtulungan at alyansa sa kongresista na magpapalakas ng serbisyo publiko na magiging daah sa patuloy na pag-unlad ng komunidad.