ACT-CIS pokus sa pandemic recovery at pagtulong sa mahihirap

May 22, 2022 People's Tonight 75 views

ALINSUNOD sa plano ng papasok na administrasyon ni Presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., mga panukalang batas para makabangon sa pandemya ang unang isusulong na batas ng ACT-CIS, sa pagbubukas muli ng kongreso sa Hulyo.

Ayon kay ACT-CIS Chairman Erwin Tulfo, “patuloy pa rin naman ang pandemya sa buong mundo pero tuloy pa rin ang buhay ngunit dapat mag-ingat pa rin”.

“Kailangan natin ng mga batas tulad ng mga ayuda sa hindi makapasok sa trabaho ng ilang araw dahil sa virus at pagpapagamot o masusing pagaaaral doon sa mga kababayan natin na patuloy na may Covid sa katawan ngunit hindi naman na nakakahawa,” ani Tulfo.

Para naman kay ACT-CIS Nominee Edvic Yap, ang dagdag na cash ayuda para sa mga matatanda at mga Persons With Disability (PWD) kailangan ng isulong.

“Sa nagtataasang bilihin ngayon, wala nang mabili ang P500 to P1,000 na monthly cash assistance para sa kanila,” ani Yap.

Dagdag ng papasok na kongresista, “kailangan ng dagdagan ang kanilang allowance”.

Pangako naman ni Tulfo, “tatrabahuhin ng aming grupo ang mga panukalang batas na ito and we will do our best na maibigay sa kanila yan sa lalong madaling panahon.”

AUTHOR PROFILE