ACT-CIS nagpasalamat sa suporta
NAGPASALAMAT ang ACT-CIS sa lahat ng mga sumusuporta sa kanila matapos manguna sa latest survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa mga ibobotong partylist ng mga botante sa darating na halalan ngayong May 9, 2022.
Nakakuha ng 8.23 % rating ang ACT-CIS na sapat para maging “top choice” ng mga botante na partylist para maging representante nila sa kongreso.
Ayon kay ACT-CIS nominee Edvic Yap, nakakataba ng puso dahil pinili sila ng mga botante para muling maging kinatawan nila sa kongreso.
Taus-pusong nagpapasalamat si Yap sa tiwala sa kanila ng publiko at nangakong ipagpapatuloy ang mga magagandang nasimulan ng kanilang grupo.
Sinabi naman ni ACT-CIS Chairman Erwin Tulfo, hihigitan pa nila ang pagtulong sa publiko ngayong taon, kumpara sa mga nakalipas na taon na ginawa nilang pagtulong.
Ani Tulfo, hindi lang pagtulong sa mga inaapi, kundi pati sa mga may sakit na mga kababayan ay makakaasa rin ng ayuda mula sa mga maintenance medicines hanggang sa pagpapagamot sa ospital.
Para naman kay ACT-CIS Congresswoman Jocelyn Pua-Tulfo, “ we will try to reach as many people sa possible pagdating sa pagtulong ng aming grupo.