Yap Ang RT-PCR machine na idinonate ni Cong. Eric Yap sa Benguet General Hospital.

ACT-CIS nagdonate ng RT-PCR machine

April 25, 2021 People's Tonight 309 views

KASUNOD nang pagdo-donate ng high flow oxygen sa Benguet General Hospital noong nakaraang linggo, muling nag-turn over si Benguet Congressman Eric Yap, na siya ring kinatawan ng ACT-CIS Party-list, ng isa pang RT-PCR machine upang matugunan ang agarang pangangailangan ng pagamutan at masolusyunan ang kanilang backlogs sa COVID-19 testing.

Nabatid na ito na ang ikatlong machine na ipinagkaloob ng mambabatas simula nang mag-umpisa ang pandemya ng COVID-19 sa bansa noong nakaraang taon.

Una na siyang nagkaloob ng RT-PCR machine sa Baguio General Hospital dahil ang Molecular Laboratory sa Benguet ay isinasailalim pa sa konstruksiyon ng panahong iyon.

Ang ikalawang makina naman ay inilagay sa bagong tayong laboratoryo sa lalawigan, kasama ang isang Automated Extractor.

Ayon kay Yap, nagpapatupad sila ngayon ng agresibong testing upang mapalakas pa ang effort ng lalawigan na masugpo ang COVID-19.

Dagdag pa niya, hindi lamang ang Benguet ang magbebenepisyo rito kundi maging ang kanilang mga kalapit na lalawigan sa Northern Luzon.

AUTHOR PROFILE