Yap

ACT-CIS – mahigpit na bantayan F2F classes ng mga bata

February 20, 2022 People's Tonight 143 views

MAHIGPIT na pinababantayan ng ACT CIS sa Department of Education (DepEd) ang muling pagbabalik ng mga mag-aaral sa klase, lalo na sa elementarya.

Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, hindi dapat na maging kampante ang DepEd at tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyante laban sa COVID-19.

Si Edvic ay nakatatandang kapatid ni Cong. Eric Yap ay nagsabi pang, marapat na tiyakin ng DepEd na bakunado na ang lahat ng guro na magtuturo sa mga estudyante at maging ang mga bata sa pagbabalik ng face to face class.

Pahayag pa ni Yap, “dapat ipaalala pa rin, lalo na sa mga bata ang palagiang pagsusuot ng mask, paghuhugas ng kamay at social distancing”.

Aniya, kahit na bakunado, maaari pa rin mahawa ang isang tao ng Covid-19.

Matatandaang nitong Pebrero ay ipinag-utos ng DepEd na balik limited face to face na ang mga mag-aaral sa mga lugar na nasa Alert Level 2.

AUTHOR PROFILE