Omicron

ACT-CIS magpapadala ng ayuda sa LGU

December 5, 2021 People's Tonight 445 views

MAGPAPADALA ng ayuda sa mga local government unit (LGU) na magla-lockdown pag pumasok na ang Omicron variant sa bansa.

Ayon kay ACT-CIS Nominee Edvic Yap, naghahanda na rin ang kanilang grupo sa pagdating ng nasabing COVID-19 variant.

“Alam po namin na said na ang mga LGU sa ayuda para sa kanilang mga constituents dahil magdadalawang taon na itong pandemya,” ani Yap.

“Mga bigas at delata ang ipapadala namin sa mga LGU sakaling maglockdown ang mga ito dahil sa Omicron,” dagdag ni Yap.

Kasabay nito, mariin pa ring ipinaalala ni Yap sa mga kababayan ang mga health protocols at magpabakuna para makaiwas sa COVID.

“Tuloy-tuloy pa rin po ang ayuda namin ng Erwin Tulfo Action Center sa mga nangangailangan ng mga gamot at maintenance araw-araw. Magsadya lang sa amin opisina sa Quezon City,” pahabol pa ng kapatid ni Cong. Eric Yap.

AUTHOR PROFILE