Default Thumbnail

ACT-CIS: Kuwait-bound OFWs  bigyan priority sa trabaho

May 14, 2023 People's Tonight 388 views

NANAWAGAN ang ACT-CIS Partylist sa Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA) na bigyan ng prayoridad ang mga overseas Filipino workers (OFW) na patungo ng Kuwait pero naudlot ang pag-alis matapos pigilan ng naturang bansa ang pagpasok ng mga first time o bagong dating na mga Pinoy doon.

“Sila ang dapat unahin natin na makakuha ng mga bagong kontrata pa-ibang bansa kasi marami na sila nagastos sa medical, mga clearance, at pamasahe galing sa kanilang mga probinsya. Kung pareho lang naman sa Kuwait ang trabaho tapos may opening sa ibang middle eastern country, sila muna siguro ang unahin alokin ng trabaho para ma-offset ang gastusin nila. Ang mahirap diyan, umaasa na ang pamilya nila na makakatulong sila in a month naging bato pa,” ayon kay ACT-CIS First Nominee Rep. Edvic Yap.

Kamakailan isinara ng Kuwait ang kanilang bansa sa mga first time OFW dahil daw sa “hindi pagsunod ng Pilipinas sa bilateral agreement,” na itinanggi naman ng Pilipinas.

AUTHOR PROFILE