ACT-CIS

ACT-CIS: Hanapbuhay para sa lahat iprayoridad

March 27, 2022 People's Tonight 311 views

KAILANGANG unahin talaga ng susunod na administrasyon ang paglikha ng trabaho para sa lahat.”

Ayon kay ACT-CIS nominee Edvic Yap, marapat na iprayoridad ng susunod na uupong Pangulo ng ating bansa ang pagbibigay ng hanapbuhay sa bawat isang Pilipino.

Sang-ayon si Yap sa sinabi ng nangungunang presidential aspirant na si dating Sen. Bongbong Marcos na trabaho ang dapat i-priority ng susunod na gobyerno dahil marami ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Ayon kay Yap, kapag ibinalik ang ACT-CIS sa Kongreso ng mga botente ay susuportahan nila ang job creation programs ng susunod na administrasyon.

Ani Yap, marami ang nawalan ng hanapbuhay o kita dahil sa COVID-19 pandemic kaya tutulong sila sa susunod administrasyon para makalikha ng trabaho.

Isa sa naiisip na paraan ng ACT-CIS ay ang pagtulong sa mga kumpanya at negosyo na nalugi at tuluyang nagsara dahil sa pandemya.

AUTHOR PROFILE