Eric Yap

ACT-CIS: COVID-19 is real

September 20, 2021 People's Tonight 197 views

TOTOO at hindi imbento ang COVID. Kaya magpabakuna at wag maniwala na fake news lang ito”.

Ito ang pahayag ni ACT-CIS Cong. Eric Yap matapos mag-rally ang isang grupo noong Linggo sa Maynila na nananawagan na huwag magpabakuna dahil gawa-gawa lang daw ito.

Ayon pa sa grupong Gising Maharlika, kung epektib daw ang bakuna versus COVID bakit may mga namamatay pa rin daw kahit bakunado na.

“Paano nila nasabi na gawa-gawa, e milyon na ang namamatay sa buong mundo,” ayon kay Cong. Yap.

Paliwanag pa niya, “bakuna lang talaga ang pangontra sa COVID. Yung mga namamatay ay dahil hindi pa bakunado.”

“Kung hindi naman kayo nakakatulong tumahimik na lang at wag na manghikayat o manakot ng iba,” dagdag ni Yap.

AUTHOR PROFILE