Acosta ginagamit ang pangalan sa text scam

July 19, 2021 Jun I. Legaspi 458 views

MANANAGOT kaya sa batas at wala akong kinalaman dyan!

Ito ang mariing panawagan ni Public Attorney’s Office Chief Persida Rueda-Acosta sa mga nasa likod ng isang text scam na ginagamit ang kanyang pangalan at nagsasabi na ang isang individual na pinadalhan ng text message ay nanalo ng P4,000,000

Ayon sa information na nakuha ni PAO Chief Acosta, siya diumano ay nagpapadala ng message na nanalo ang pinadalhan ng P4,000,000 mula kay Sen. Manny Paquiao.

Upang makuha ng umano’y winner ang ay hinihingi ang kanilang pangalan, edad, address, at trabaho.

Sa press conference sa PAO Office sa Quezon City, nilinaw ni Acosta na ang Punong Manananggol Pambayan o (PAO) ay hindi kailanman nagpadala at magpapalabas ng ganitong uri ng mensahe sa kahit kanino.

“Ang inyo pong (PAO) Chief ay nagsisilbi sa taong Bayan at hindi para kung kanino,” aniya.

Warning pa ni Acosta sa mga gumagamit ng kanyang pangalan at nagpapanggap na siya, “tigilan na ninyo ang ganitong panloloko sa taong bayan, dahil mananagot kayo, una sa Diyos at sa batas kapag kayo ay nahuli. “

“Hindi lahat ng araw ay makapangloloko kayo ng mga inosenteng individual. Mayroong batas na uusig sa inyong mga ginagawang kalokohan,” dagdag pa ni Acosta.

AUTHOR PROFILE