Acidre itinulak pagbabalik ng pondo ng AKAP para sa 2025
NANAWAGAN si Tingog Party-list Representative Jude Acidre sa pagbabalik ng pondo para sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa 2025.
Iginiit ni Acidre ang kahalagahan ng AKAP para sa maraming pamilyang Pilipino na nahaharap sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at iba pang gastusin.
“It is deeply unfortunate that, instead of strengthening social amelioration programs that uplift minimum wage earners and the working middle class, the Senate has decided to remove the Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) from the 2025 budget,” sabi ni Acidre.
“This decision overlooks the invaluable merits of the program. AKAP provides much-needed financial assistance to hardworking Filipinos who, despite their gainful employment and contributions to economic productivity, face challenges brought about by inflation, disasters, or personal and family emergencies,” dagdag pa ni Acidre.
Taliwas sa sinasabi na tinuturuan ng AKAP ang mga Pilipino na maging tamad, sinabi ni Acidre na nagsisilbi itong safety net upang hindi tuluyang mabaon sa kahirapan ang mga pamilya na halos hindi sumasapat ang kinikita.
“It ensures that those who have less in life are not left behind, particularly during times of crisis,” dagdag pa ni Acidre.
Sa isang pahayag, sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na naipamahagi na ang P20.7 bilyon sa P26.7 bilyong pondo ng AKAP ngayong taon.
“With over four million beneficiaries, AKAP has boosted purchasing power at the grassroots level, helping local markets thrive and supporting the growth of small businesses. Its removal disregards these critical benefits, which extend beyond social welfare to strengthening our country’s economic resilience,” paliwanag ng mambabatas.
Kumpiyansa naman si Acidre na maibabalik pa ang pondo ng AKAP na inalis ng Senado.
“As the Bicameral Conference Committee convenes, we remain hopeful that AKAP will be evaluated on its merits and that its funding will be restored. Programs like AKAP embody the essence of governance that is truly inclusive and responsive to the needs of our people,” wika pa nito.
Itinulak din ni Acidre ang pagkakaroon ng constructive approach sa mga isyung kinakaharap ng programa.
“If our colleagues in the Senate have concerns regarding the program’s implementation, we encourage them to propose reforms that would strengthen AKAP rather than eliminating its funding entirely. Constructive solutions, not the abandonment of impactful initiatives, should be the way forward,” giit pa ng solon.
Iginiit ni Acidre na hindi dapat pabayaan ang mga Pilipino na kapos ang kita.
“Ang ating mga kababayan na kapos sa kita ay hindi dapat pabayaan. Kung may nakikita mang kakulangan sa pagpapatupad ng AKAP, sana ay nagpanukala ng mga hakbang upang mas mapalakas ito, at hindi tanggalan ng pondo ang programang tunay na nakakatulong sa buhay ng ating mga kababayan,” wika pa nito.
“Tingog Party-list stands firm in its commitment to fighting for programs that deliver real and meaningful assistance to those who need it most. AKAP must be preserved for the benefit of every hardworking Filipino striving for a better life,” dagdag pa ni Acidre.