Default Thumbnail

Acclang host taklesa ang drama sa aktor na may anak na tomboy

February 3, 2025 Jun Nardo 164 views

NAGKAYAYAAN ng dinner ang isang grupo ng magkakaibigan na may taga-showbiz, food business at iba pa.

Sa chikahan, bida ang isang acclang host na panay ang bangka. Kuwela kasi siyang chumika kaya todo ang halakhakan, huh!

Biglang napunta ang usapan sa tomboy at kabit na babae. Nagsabi si accla na mas mainam pa ang tomboy kesa sa mga kabit dahil super demanding ang mga ito.

Isa sa mga ka-dinner ni accla ang kumikindat na sa pagiging taklesa niya. Nakalimutan niya na ang aktor na kasama sa dinner, eh, may anak na tomboy, huh!

After umalis ang aktor, sinabihan ng kasama si accla na may tomboy na anak ang aktor. Namutla si accla na parang nawalan ng dugo sa sinabi ng kaibigan.

Kaya naman sa nangyari, ginagawan si accla ng prank ng mga kaibigan na kunwari, eh, tatawagan nila ang aktor at ipapakausap sa accla.

MARIAN LATEST NETFLIX QUEEN

SI Marian Rivera ang latest queen ng Netflix to date!

Aba, matapos ilabas sa streaming app ang Cinemalaya movie niyang “Balota,” pumalo ito sa unang puwesto bilang nangungunang pelikula sa app, huh!

Kaya naman todo ang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob ni Yan sa lahat ng tumangkilik sa movie at sa mga taong nagtiwala sa kanya upang gawin ito.

Soon, series naman at movie ang next projects ni Yan this 2025.

AUTHOR PROFILE