Default Thumbnail

Abu Sayyaf na sangkot sa pagdukot sa anak ng mayor noong 2017 huli

April 2, 2023 Zaida I. Delos Reyes 250 views

ARESTADO ng Naval Forces Western Mindanao, Task Force Zamboanga, Zamboanga City Police Office, at Criminal Investigation and Detection Group sa Mangal Drive, Barangay Baliwasan, Zamboanga del Norte si Salip Yusop Habibulla, 30, miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa pagdukot sa anak ng isang mayor noong 2017.

Ayon kay Rear Admiral Donn Anthony Miraflor, si Habibulla ay sangkot sa pagdukot kay Jelster Ed Quimbl, anak ni Labaso, Zamboanga del Norte Mayor Eddie Quimbo. Nakuha mula sa suspect ang isang cellular phone at identification card na may pangalan na Murhan Alih Ismael.

Si Jelster Ed ay pinalaya noong December 31,2018 at ngayon ay mayor na rin ng Bayan ng Labason.

Ang naarestong suspect ay inilipat na sa kustodiya ng lokal na pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Isasailalim naman sa mobile forensic analysis ang cellular phone ng suspect upang malaman kung bakit siya nagtatago sa Barangay Baliwasan.