Bida

ABS-CBN ‘Ultimate Bida Star: Boy Next Door,’ makikilala na

September 3, 2021 Ian F. Fariñas 212 views

Malapit nang matupad ang pangarap ng isang binata na bumida sa sariling online Kapamilya show dahil mula sa apat na finalists, kokoronahan na ng ABS-CBN ang “Ultimate Bida Star: Boy Next Door” sa Setyembre 8, 6 p.m., sa Star Hunt Facebook page at kumu channel.

Isang matinding acting challenge ang haharapin ng apat — Cyrill Tumamak ng Parañaque, Dustine Mayores ng Manila, Red Mendoza ng Las Piñas at Lee Feng Nuñez mula sa Occidental Mindoro para masukat ang mga natutunan nila sa buong edisyon ng Bida Star.

Manggagaling sa KTX scores, kumu diamonds at judges ang final scores nila.

Uupong hurado sa nasabing finals sina TVDG Head Alex Asuncion, Star Hunt Management Head Raymund Dizon at Direk Rahyan Carlos.

Sa mga gustong sumuporta, bukas pa rin ang botohan hanggang Setyembre 6, 11:59 a.m.

Ang kauna-unahang “Ultimate Bida Star: Boy Next Door” ay mag-uuwi ng P50,000, isang digital film kasama ang iba’t ibang Kapamilya actors, ABS-CBN management contract, Star Magic workshop scholarship, pagkakataon na mapabilang sa shortlist ng pwedeng ma-interview para sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 at bibida sa isang digital show.

Mula nang buksan ng Bida Star ang pagkakataon para sa 50 Boy Next Door hopefuls, naglaban-laban ang mga ito sa iba’t ibang online acting challenges kung saan hinasa sila ng Bida Star mentor na si Direk Rahyan.

Kasama nila sa journey ang hosts na sina Karina Bautista, Aljon Mendoza, Kaori Oinuma at Rhys Miguel.

Mas nakilala naman ng netizens ang nasabing hopefuls sa “Bida Star Boy Next Door Extra” sa kumu kasama ang Ultimate Bida Star Season 2 Gandang Naturally Fresh na si Ruth Paga.

AUTHOR PROFILE