Ligaya

ABS-CBN Christmas Special, star-studded

December 17, 2022 Ian F. Fariñas 243 views

Puno ng musika, pag-ibig at ligaya ang naghihintay sa bawat pamilyang Pilipino dahil ipapalabas na ang Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa: The ABS-CBN Christmas Special 2022 ngayong December 18, 10:30 p.m.

Mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC at TV5 ang 2022 ABS-CBN Christmas Special na may temang pasasalamat sa gitna ng mga pagsubok ngayong taon at pagbibigay-pugay sa Panginoon, pamilya, kaibigan at sa komunidad na pinagkukunan natin ng ligaya at pag-asa.

Sa ikatlong pagkakataon, magsisilbing direktor ang Kapamilya star na si John Prats ng Christmas Special, kung saan tampok ang higit sa 100 bituin mula sa iba’t ibang programa ng ABS-CBN.

Tulad ng taunang ABS-CBN Christmas ID, bahagi na rin ng Pasko ng pamilyang Pilipino ang makabuluhang Christmas Special ng ABS-CBN.

Bukod sa mga pasabog na performance, inaabangan din ang mga nakaaantig na kwento at napapanahong mensaheng nakapaloob dito.

Huwag palampasin ang weekend na puno ng saya at sorpresa ngayong Kapaskuhan sa Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa: The ABS-CBN Christmas Special 2022 na mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC at TV5 mamayang 10:30 p.m.

AUTHOR PROFILE