abs

ABS-CBN bagong ‘may-ari’ ng TV5

August 12, 2022 Aster Amoyo 833 views

abs1abs2

SA kabila ng pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN nung May 5, 2020 at pagkawala ng trabaho ng kanilang libu-libong workforce, humanap ngalternatibong solusyon ng Kapamilya top management to keep them afloat despite the trials na kanilang kinaharap at pinagdaanan.

The (former) leading TV network concentrated on digital and cable platform and eventually got into special deals with Eddie Villanueva’s ZOE TV 11 which they rebranded as A2Z. Nakipag-deal din sila sa TV5 kung saan palabas ang kanilang mga entertainment programs for free TV airings. Years back, parang napaka-imposible nitong mangyari.

Pumasok din sa special deal ang Kapamilya with GMA kung saan palabas ngayon ang mga pelikulang gawa ng Star Cinema, ang film company ng ABS-CBN.

While ABS-CBN is currently lording it over in digital and cable platforms, they can’t do the same ngayon sa free TV magmula nang mawalan sila ng prangkisa. They lost their prime frequency channel which business mogul Manny Villar’s Advanced Media Broadcasting System (AMBS) acquired and which will soon become operational.

But what’s good with ABS-CBN top management, they don’t stop to explore other possibilities para ma-reach ang wider market for their entertainment, news and public service programs.

Last Thursday, August 11, isang magkasaysayang deal ang nangyari sa pagitan ng ABS-CBN at ng MediaQuest Holdings Corporation na siyang may-ari ng TV5 and Cignal Cable Corporation, PLDT among others.

ABS-CBN acquired 6,459,593 shares representing 34.99% of TV5 amounting to P2.16 billion. Ang shares na ito ng ABS-CBN sa TV5 ay maaaring madagdagan up to 49.92% pagkaraan ng walong taon. Nakuha naman ng TV5 ang 38.8% shares ng Sky Cable na pag-aari ng ABS-CBN amounting to P2.86 billion.

Dahil sa bagong investment deal ng ABS-CBN at MediaQuest Holdings, hindi lamang ang mga entertainment programs ng ABS-CBN ang mapapanood sa Kapatid Network kundi maging ang news at iba pang public service programs.

“We welcome the entry and investment of ABS-CBN in TV5, as ABS-CBN has always been the leading developer and provider of Filipino-related entertainment content not only in the Philippines but overseas as well.

“Our companies have always had these cherished values of providing top and quality programs in the service of the Filipino people and together we believe we can achieve this in greater measure and success,” pahayag ng MediaQuest Holdings chairman na si Manuel `Manny’ V. Pangilinan.

“For ABS-CBN, it presents a fantastic platform for us to achieve synergies in production content and talent management as well as maximizing our content delivery. We look forward to be of greater service to the public as we come together in taking TV5 to the next level,” pahayag naman ng chairman ng ABS-CBN na si Mark Lopez.

“In partnership with TV5, we look forward to reaching viewers both on owned platforms and through other broadcast partners, thereby enriching the Philippine creative industry. We hope the industry evolves from being highly competitive to increasingly collaborative, which benefits all stakeholders in the long run,” pahayag naman ng ABS-CBN president-CEO na si Carlo Katigbak.

Dahil sa forge of investment ng dalawang giant media companies, hindi kami magtataka kung ang ABS-CBN na ang mamahala o mag-take over ng operations and programming ng TV5 dahil mas gamay nila ang aspetong ito.

Kapag ito’y nangyari, tiyak na magkakaroon ng mga pagbabago ang landscape ng programming ng Kapatid network.

Ang tanong ngayon ng marami, paano na lamang ang mga existing programs ng TV5 including their own news programs?

Ito ngayon ang aabangan ng publiko.

Smokey brand-new father at 44

IT’S never too late for actor-comedian and TikToker Smokey Manaloto to become a brand new father at age 44.

Last August 4, natupad ang pagiging ganap na ama ni Smokey sa kanyang first child, a baby boy na si Kiko na isinilang nung nakaraang August 4 (Thursday) ng kanyang non-showbiz partner.

For the longest time, nasanay na si Smokey sa mga biro at kantiyaw sa kanya ng mga kaibigan na tatanda umano siyang binata dahil wala umano itong balak mag-asawa o magkaroon ng sariling pamilya. But unknown to many, he was already in a relationship with a non-showbiz girlfriend ayaw pa niyang i-share ang pangalan.

Isang proud father ang nakita kay Smokey habang karga-karga nito for the very first time ang kanyang bagong silang na anak.

Si Smokey ay kasalukuyang napapanood sa hit primetime TV series na “2 Good 2 Be True” na pinangungunahan ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

When Smokey started posting his photos with his baby ay inulan siya ng mga pagbati mula sa kanyang mga kaibigan at followers.

Luis

Jessy buntis, pangarap ni Vilma, matutupad na

MATUTUPAD na rin sa wakas ang matagal nang pangarap ng ina ni Luis Manzano, ang Star for All Seasons-turned politician na si Vilma Santos-Recto dahil buntis ngayon ang misis ng TV host-actor at celebrity endorser na si Jessy Mendiola sa kanilang magiging unang baby.

Masayang-masaya ang celebrity couple dahil magkakaroon na rin ng bunga ang kanilang pagmamahalan. The couple was in relationship for four years bago sila nagpakasal nung February 21, 2022 sa Lipa, Batangas, hometown ng stepdad ni Luis na si dating senator at ngayon ay kinatawan ng Lipa na si Rep. Ralph Recto, second husband ng kanyang inang si Vilma Santos-Recto.

Bukod sa magkakaroon na rin ng pamangkin ang younger half-siblings ni Luis na sina Addie, Enzo at Christian, magiging lolo na rin sa ang actor-host at entrepreneur na si Edu Manzano who is now in a relationship with veteran actress Cherry Pie Picache na nabuo sa set ng TV series na “Marry Me, Marry You”.

Mga hiphoip artists artista na sa pelikula ni Direk Roman

WALANG alinlangan na isa sa mga paboritong director ng Viva Films (for Vivamax) ay si Roman Perez, Jr. na unang kinakitaan ng husay sa pagdidirek sa pamamagitan ng sexy-suspense-thriller movie na “Adan” na siyang naglunsad sa respective careers nina Rhen Escano at dating beauty queen na si Cindy Miranda in 2019. Since then ay naging sunud-sunod na ang respective solo projects nina Rhen at Cindy na karamihan ay mga sexy movies.

Pagkatapos ng “Adan,” isang taon lamang nagpahinga si Direk Roman sa pagdidirek dahil sa pandemya pero pagpasok ng taong 2021 ay naging sunud-sunod na ang kanyang directorial movie projects sa Viva tulad ng “House Tour,” “The Housemaid,” “Taya” (all hits) at sa pagpasok ng 2022 ay wala nang humpay ang directorial jobs niya sa Viva which include “Putahe,” “Siklo,” “Hugas,” “Iskandalo,” “Ang Babaeng Nawawala sa Sarili” at ang pinakabago ay ng sexy-action-drama movie na “Sitio Diablo” na tinatampukan nina AJ Raval, Kiko Estrada, Joko Diaz, Benz Sanggalang, Massimo Scofield, Cean Jr., Azi Acosta, Ace Raval (elder brother of AJ Raval) at iba pa.

Ayon kay Direk Roman, ang “Sitio Diablo” ay pinaghalong action at sex na siyang magiging acting debut ng ilang kilalang hip-hop artists na sina BCoz, Cean, Jr, Ace Raval at pangatlo o pang-apat namang pelikula ng rapper na si Pio Balbuena. Ang nasabing pelikula ay nakatakdang mapanood on Vivamax streaming app sa darating na August 26, 2022.

Iza

Iza buntis, isang ‘miracle’ para sa kanya

BUNTIS na si Iza Calzado. Ito ang ibinalita ng aktres sa Instagram kahapon, August 12, kasabay ng kanyang birthday. Dala-dala niya ngayon ang magiging unang baby nila ng kanyang husband of almost four years, ang Fil-Brit businessman na si Ben Wintle.

Sina Iza at Ben ay ikinasal sa Coron, Palawan nung December 19, 2018 matapos ang kanilang matagal na pagiging magkasintahan.

Kinu-consider ni Iza na isang miracle ang kanyang ipinagbubuntis.

AUTHOR PROFILE