Abdul Raman

Abdul gets big break

July 23, 2021 Joey Aquino 616 views

IPALALABAS na ang Legal Wives, ang bagong teleserye ng Kapuso network, ngayong July 26.

Powerhouse cast ito at mukhang bago ang treatment nito. Ayon nga sa published interview ng isa sa lead cast nito na si Dennis Trillo, “hindi ito isang kabit-serye.” The story will revolve around his character – Ismael, a Maranao – who eventually will marry his three wives portrayed by Alice Dixson, Bianca Umali and Andrea Torres. Base sa promo plug nito, mukhang kakaiba nga ito dahil hindi raw ito typical na kuwento ng mga mistress.

One of the showbiz newbies in the cast is Starstruck 7 finalist Abdul Raman. He plays the character of an impoversihed young Muslim who falls in love with a rich young woman played by Starstruck 7 Ultimate Survivor Shayne Sava. Hindi nalalayo ang kanyang karakter dahil Muslim si Abdul sa totoong buhay. His father is an Egyptian. Malaking opportunity ito sa kanya para lalo siyang mahasa sa acting. Bilang discoverer at dating manager, proud kami sa bagong achievement ni Abdul. Before he joined Starstruck, Abdul signed up with Viva Artist Agency to co-manage his career. But eventually parted ways due to some differences. But all is well now.

So far, Legal Wives is considered to be his big break. Sana magtagumpay siya sa kanyang career. Lalo na ngayon na na-stroke ang kanyang ina. At siya ang inaasahan ng pamilya. Hangad namin ang paggaling ng kanyang ina.

Sa pinagdadaanan ngayon ni Abdul, tiyak na magiging motivation ito para paghusayan niya ang pag-arte. Will Legal Wives propel Abdul to stardom? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com

AUTHOR PROFILE