Abby gustong kunin ang mga anak sa Canada

November 4, 2021 Aster Amoyo 5141 views

FORTY-five-year old Abby Viduya (formerly Priscilla Almeda) is the newest addition to Viva’s roster of talents after she signed up a five-year management contract with the company helmed by Viva Artists Agency (VAA) president Veronique del Rosario, daughter of Viva’s big boss, Boss Vic del Rosario. Abby is now being co-managed by Viva and Abby’s longtime manager, entertainment writer Nestor Cuartero.

JomariNadineAfter being away for almost two decades and living in Vancouver and Alberta, Canada with her family and three kids, Abby decided to give her showbiz career another try nang mag-desisyon siyang bumalik ng Pilipinas in 2019 not her knowing na muling magku-krus ang landas nila ng kanyang `first love,’ ang actor na si Jomari Yllana na naging boyfriend niya when both of them were 15 years old at kasisimula lamang sa showbiz. Ang pag-iibigan ng dalawa ay nagsimula nung gawin nila ang “Guwapings: The First Adventure” in 1992 at “Guwapings: Dos” in 1993 na siyang nag-launch sa respective careers nina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso at Jomari mula sa panulat at direksiyon ni Jose Javier Reyes under Regal Films.

Nang magkahiwalay noon sina Jomari at Abby, kinontrata si Abby ng Seiko Films at binago ang kanyang screen name at ginawa itong Priscilla Almeda and was transformed into an ST star doing sexy films tulad ng “Sabik,” “Exploitation,” “Sutla,” “Syota ng Bayan” at iba pa.

Palibhasa’y mga bata pa noon sina Jomari at Abby, nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon and ending up marrying other partners. Si Aiko Melendez ang pinakasalan ni Jomari samantalang Isang non-showbiz ang napangasawa ni Abby kung kanino siya may isang anak na babae now in her 20’s. Isa rin ang naging anak ni Jomari kay Aiko, ang young actor na si Andre (23).

For sometime, nagtrabaho si Abby sa isang restaurant in Japan bago siya nag-desisyon to join her family in Canada where she met Rodrigo Ines, the father of her two younger daughters. Pero na-miss niya ang local showbiz which prompted her to return to the Philippines leaving her former partner and children behind.

“I get to talk to my kids regularly. When things get better, kukunin ko rin sila,” pahayag ng nagbabalik-showbiz na si Abby.

Before signing up with Viva, nakagawa si Abby ng isang serye sa bakuran ng GMA, ang adventure-action-drama series na “Lolong” kung saan tampok na mga bituin sina Ruru Madrid, Shaira Diaz at Arra San Agustin. Kasama rin sa nasabing serye sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Bembol Roco, Malou de Guzman, Mikoy Morales, Ian de Leon, DJ Durano, Marco Alcaraz, Maui Taylor at ang dating sexy actor ng Seiko Films na si Leandro Baldemor.

Ngayong nasa bakuran na ng Viva si Abby, she looks forward to get busier sa paggawa ng pelikula at TV series.

AuroraAurora busy na naman

ANG isa pang nagbabalik-showbiz ay ang dating beauty queen-turned actress na si Aurora Sevilla na mapapanood sa isang kakaibang episode ng “Maalaala Mo Kaya” (MMK) sa darating na Sabado, November 6 bilang bahagi ng 30th anniversary celebration ng top-rating ang longest-running primetime drama anthology hosted by actress-host at dating president-CEO ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio.

Pinamagatang “Ink of Smile,” isa na naman itong inspiring story ng isang cosmetic tattoo artist na si Edwin Pranada na ginampanan ng actor na si Enchong Dee. Ang nasabing episode ay dinirek ni Jerome Pobocan at siya ring comeback TV series ng singer, actor at painter na si Ernie Garcia.

Si Aurora ay nasa pangangalaga na rin ng Viva Artists Agency.

KierKier pumirma ng limang taon

“IT’S nice to be back with my original family,” ito ang bulalas ng comebacking actor na si Christopher `Kier’ Legaspi nang ito’y muling tumuntong sa bakuran ng Viva last Wednesday afternoon, November 3 to sign up a five-year exclusive management contract with his former home studio, ang Viva.

Tuwang-tuwa si Kier nang muli silang magkita nina Boss Vic del Rosario at president ng VAA na si Veronique del Rosario-Corpus dahil sa Viva siya nagsimula sa kanyang showbiz career when he was in his teens.

Boss Vic and Veronique personally and warmly welcomed back Kier to their fold at pinangakuang mabibigyan agad ito ng proyekto.

Although he is now under Viva, open si Kier sa magtrabaho sa iba’t ibang TV networks tulad ng ABS-CBN, GMA and TV5.

Ayon kay Kier, excited umano siya sa kanyang pagbabalik-showbiz na matagal-tagal din niyang pansamantalang tinalikuran to focus on his family life and business. Nagulat din si Boss Vic nang muling makita si Kier na physically fit at young-looking despite him being a golden boy.

Playing tennis and cycling ay dalawa sa kanyang regular sports sa kabila na pareho silang foodie ng non-showbiz wife, ang PR and marketing specialist na si Jen Corpus-Legaspi.

Si Kier ang biological father ni Dani Barretto-Panlilio, but that’s another story.

Nadine balik sa paggawa ng project sa Viva

SA kabila ng pagkakaroon ng lawsuit sa pagitan ni Nadine Lustre at ng kanyang home studio for many years, ang Viva, na-iron out na ng dalawang kampo ang kanilang hindi pagkakaunawaan at balik ang singer-actress sa paggawa ng proyekto sa kompanya. Katunayan, nakatakda niyang simulan ang pelikulang “Greed” na pagtatambalan nila ni Diego Loyzaga mula sa direksiyon ni Yam Laranas. Umaasa naman ang mga fans ni Nadine na magtutuluy-tuloy muli ang takbo ng kanyang karera.

Samantala, kahit napapabalitang may bagong boyfriend na ngayon si Nadine sa katauhan ng French businessman na si Christophe Bariou, nananatili pa ring magkaibigan ang singer-actress sa kanyang ex-boyfriend na si James Reid na kumalas na rin sa pangangalaga ng Viva in 2019.

Ang Viva ang sumugal noon kina James at Nadine sa pamamagitan ng surprise hit movie na “Diary ng Panget” in 2014 na sinundan ng “Talk Back and You’re Dead” kung saan nabuo ang JaDine loveteam ng dalawa and the rest ay history nang maituturing. Pero walang forever sa JaDine loveteam nang tuluyang magkahiwalay ang dalawa in late 2019.

Kung si Nadine ay may bago nang pag-ibig, tila single pa rin hanggang ngayon ang ex-PBB big winner na si James.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin naibebenta ni James ang kanyang malaking bahay in Quezon City kung saan sila nagsama ni Nadine ng ilang taon.

Ang kuwento ni Giselle

TUNGHAYAN sa “TicTALK with Aster Amoyo” on YouTube ngayong araw na ito ng Biyernes at 12:00 noon ang aking exclusive na panayam sa actress, host-comedienne at dating beauty queen na si Giselle Sanchez at alamin kung paano siya napunta sa showbiz.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo”. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE