Abalos

Abalos Sr. nanumpa na bilang Mandaluyong mayor

June 29, 2022 People's Tonight 128 views

PORMAL ng nanumpa si dating Comelec (Commission on Elections) Chairman Benjamin “Ben” Abalos Sr. na nagbabalik bilang alkalde ng Mandaluyong kay Supreme Court (SC) Associate Justice Rodil Zalameda.

Dahil sa nararanasan na sakit dulot ng COVID-19 ay hindi pisikal na nakadalo si Abalos sa kanyang oath-taking ceremony na ginawa na lang “virtual” habang ito ay nasa kanyang tahanan sa Bgy. Highway Hills. Sa kanyang mensahe ay lubos itong nagpasalamat sa suporta ng mga Mandaleño.

Pinangako din nito na patuloy niyang “paglilingkuran at mamahalin” ang mga mamamayan ng Mandaluyong hanggang sa kanyang huling lakas tulad ng ipinangako niya sa kanyang namayapang asawa. Kuha ni Marvin Empaynado

AUTHOR PROFILE