Abalos

Abalos nangako ng serbisyong tapat pag naupo sa Senado

October 17, 2024 Jun I. Legaspi 157 views

NANGAKO si Alyansa Para sa Pagbabago 2025 senatorial aspirant Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na “susuklian ng tapat na serbisyo publiko” ang mga botante sakaling manalo siya sa Mayo 2025.

Ito’y matapos lumabas ang resulta ng survey na nagpapakita na kabilang siya sa mga pangunahing paborito na manalo sa midterm elections ng 2025.

Inilabas ng market research firm na Tangere ang mga resulta ng pinakahuling senatorial survey na nagpakita na si Abalos nasa ika-9 na pwesto matapos makakuha ng kabuuang 33.42 porsyentong boto sa nationwide poll na isinagawa mula Oktubre 10 hanggang 12.

Ang survey ng Tangere isinagawa sa pamamagitan ng mobile-based application na may sample size na 2,400 na kalahok: 12 porsyento mula sa National Capital Region (NCR), 23 porsyento mula sa Northern Luzon, 22 porsyento mula sa Southern Luzon, 20 porsyento mula sa Visayas at 23 porsyento mula sa Mindanao.

Gumamit ang survey ng stratified random sampling method at nagbigay ng margin of error na +/- 1.96 porsyento sa 95 porsyentong confidence level.

Binibigyang-diin ni Abalos na ang kanyang kampanya nakatuon sa transparency, accountability at pagtugon sa mga agarang pangangailangan ng bansa bilang suporta sa legislative agenda ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“We are at a crucial juncture in our country’s history. I believe that now, more than ever, we need leaders who prioritize the welfare of our citizens and uphold the values of integrity and service,” aniya.

AUTHOR PROFILE