Aamuyin
NANG tanungin ng Vivamax actress na si Angela Morena ang kanyang social media followers ng “me or my blossoms?” agad na gusto nilang gawin ay amuyin ang kanyang “flower.”
Tila bulaklak na may dalang nakaka-good vibes na amoy ang mga larawang ibinahagi ng sexy star sa kanyang Instagram page.
Namukadkad ang mga nalalantang libido ng mga barako dahil kahit sa larawan ay tagos ang halimuyak ng bulaklak niya.
Petmalu ang kurba ng kanyang body sa suot na two-piece floral bikini, at nagpaandar pa siya ng pagpapakita ng legs na talaga namang nakadagdag sa hotness ng hot actress.
May magandang aromang dala ang karisma ni Angela kaya nga bet na bet siyang diligan ng mga kalahi ni Adan.
Nakaramdam nga ng sarap ang mga nasa opposite sex sa kanyang comment section. Niratrat nila ng papuri ang ganda ng kanyang mukha at wangkata.
Hirit pa ng kanyang kapwa Vivamax actress na si Zsara Laxamana sa post niya, “ayoko na lang mag-talk.”
Wish pa nga ng mga tagahanga niya, more Vivamax films para kay Angela.
Bukod sa mga bagong proyekto, nakilala rin si Angela sa kanyang mga pagganap sa ilang palabas kabilang na ang Hunter, Ahasss (2023) at Japino (2023).