A Message in Poetry

January 7, 2022 Bro. Clifford T. Sorita 313 views

SoritaIsang masaganang Bagong Taon,
At nawa tayo’y ligtas sa Omicron.
Dalhin ang pag-asa sa ating pasimula,
Kasama ang Diyos nating lumikha.
Mawala nawa lahat ng ating pangamba,
Sa lakas ng ating pananampalataya.
Ating harapin ang 2022 ng buong galak,
Pagka’t biyaya ng Poon natin laging tiyak.

Korupsyon sa panahon ng Pandemiya,
Taong-bayan ang kaawa-awa.
Serbisyong dapat para sa kanila,
Sa bulsa ng kurakot napupunta.
Walang Hiya na ba talaga kayo?
Dahil harapan na ang kapal ng mukha nyo.
Matakot naman sana kayo sa Diyos,
Dahil sa wakas ng buhay kayo’y magtutuos.

Eleksyon at Pandemiya,
Tunay na magkasama.
Sapagkat pagkakataon na natin,
Di iboto mga umabuso sa atin.
Mula naantalang ayuda,
Hanggang sa kulang na bakuna.

Mga taong nasasangkot,
Sa Halalan 2022, dapat managot.
At huwag na huwag kalimutan,
Na kaban ng bayan pinagkakitaan.

Sa anomalya ng “face mask” ay nakita,
Korupsyon sa pamahalaan laganap na.
Kaya’t Boto Mo ay pahalagahan mo,
Sa darating na halalan pumili ng wasto!

Election Season is Coming,
Beware a Politician’s Cunning.
Of Pay-off, Personality & Patronage,
All they want is your Homage.
Never allow them to fool you,
For their blunders is hard to undo.
Let their character be your guide,
So you can cast your vote with pride.

In a healthy democracy,
There will always be plurality.
A safe-space for voices to be heard,
Despite candidates being preferred.
The spirit of inclusivity must always prevail,
For divisiveness will only make us fail,
A Thesis juxtaposed with an Anti-Thesis,
Creatively forms a beautiful Synthesis.

Now more than ever
We Need a Leader
Who places others above self;
Service above Greed;
Integrity above Folly;
Unity above Division;
Ingenuity above Mediocrity;
Common Good above Cronyism;
Right above Wrong;
And God above Evil.

We should never settle for a convenient choice.
But someone who will represent our true voice.

Great Leaders,
Cultivate New Leaders.
They Pass-on the Baton,
And graciously move-on.
They never hold-on to power,
To cover up their blunder.
For their true legacy,
Is the leadership continuity.

———————–oOo——————————

For any personal comments or suggestions, you may call 0917-4805585 or email me at csorita@yahoo.com.