Hard

‘A Hard Day’ nina Dingdong at John, naghakot ng nominasyon sa FAMAS

July 24, 2022 Ian F. Fariñas 139 views

NAGHAKOT ng siyam na nominasyon sa 70th FAMAS Awards ang Viva Films 2021 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na A Hard Day na pinagbidahan ng Kapuso primetime king na si Dingdong Dantes at 2021 Venice Film Festival Volpi Cup best actor John Arcilla.

Sa ilalim ng direksyon ni Law Fajardo, ang maaksyong A Hard Day ay Pinoy adaptation ng 2014 hit South Korean film, kung saan ginampanan nina Dingdong at John ang papel ng magkaribal na pulis.

Nominado ang A Hard Day sa ilang major FAMAS awards gaya ng best actor (Dingdong), best supporting actor (John), best picture, best director (Direk Law) at ilang technical awards tulad ng best cinematography, best visual effects, best editing, best musical score at best sound.

Kagabi ginanap ang nominees night sa Sampaguita Gardens habang ang awarding ceremonies ay nakatakdang idaos sa July 30 sa Metropolitan Theatre.

AUTHOR PROFILE