
9 kahera himas rehas sa inumit na P260K
NAGHIHIMAS ngayon ng malamig na rehas ang siyam na kahera ng sabungan matapos arestuhin dahil nabuko umanong nang-uumit sa kita ng sabungan sa Malabon City.
Kahit nakakulong, itinanggi ng mga kaherang sina alyas Geraldine, 44; Rhea, 24; Rhemie, 28; Alissa, 22; Abegail, 31; Karen, 25; Noriecel, 44; Acie, 28; at Patricia, 20, ang pang-uumit ng P264,000.
Ayon sa report, pinagbintangan ang siyam na hindi ni-remit sa Matadero Cockpit Arena sa Nibungco St., Brgy. San Agustin ang pera.
Natuklasan ang nawawalang salapi nang magtuos ang auditor ng sabungan na si alyas Angelica noong Sabado ng gabi.
Iginiit umano ng mga kahera na nai-remit na nila ang nawawalang salapi na dahilan upang iutos ni Chito na suriin ang mga gamit ng mga kahera at dito na nakuha ang kabuuang P207,030 na bahagi ng nawawalang kinitang salapi ng sabungan.
Ayon kay Col. Jay Baybayan, hepe ng Malabon police, sasampahan ng kasong qualified theft ang mga babaing kahera sa Malabon City Prosecutor’s Office.