Default Thumbnail

’87 Consti luma, full of restrictions dapat amyendahan’

February 12, 2024 PS Jun M. Sarmiento 74 views

UMANI ng iba’t-ibang reaksyon ang pagdinig para sa pag-amyenda sa 1987 Constitution sa Senado.

Ayon kay Dr. Raul Fabella, napapanahon na para amyendahan ang Saligang Batas lalo na at hindi tayo lumago bilang bansa sa mga nagdaan panahon dala ng restrictions nito sa pagnenegosyo.

“Yes, I am in favor of lifting the restrictions in our Constitution specifically on foreign ownership,” sabi ni Fabella.

Naniniwala siya sa matinding epekto ang dinulot ng restriksyon na ito sa iba’t- ibang investment na sana aniya ay pumasok sa bansa.

“In 2022 our investment rate was 22% while Vietnam reached 22.4%, Thailand 27.9% and Indonesia reached 29% in their investment rate. We have this anti-investment culture and among our Asean neighbors, we are the lowest,” ani Fabella.

Gayundin, sinabi ni Fabella na bagamat sinasabing maganda ang Konsitusyon ng 1987, hindi maituturing na friendly o nakatutulong ito sa pag unlad ng bansa.

Inayunan ito ni Dr. Clarita Carlos na nagsabing napapanahon na upang buksan natin ang ating kaisipan sa mabilis na galaw ng mundo.

“We are now in a globally active world and ownership does not matter anymore. For God’s sake, we are now in an econo-plastic world. If our economic managers cannot lower down the 21% poverty (level) then it is time to consider foreign intervention,” giit ni Carlos.

Para naman kay Dr. Bernardo Villegas, chairperson ng Commission on National Economy and Patrimony, ito na ang tamang panahon para isipin din ang kapakanan ng mga domestic na mamumuhunan.

Inamin ni Villegas na hindi ayon at imperpekto ang 1987 Constitution dahil puno ng emosyon ang Pilipino nuong mga panahon na yun kung kailan ito sinulat at binalangkas.

“The 1987 Constitution is very imperfect because emotions were very high then. We would like to see this present constitution amended.

But the timing is important. We should give our legislators some flexibility but we have to address the biggest problem first which is to make sure to increase our GDP,” ani Villegas.

Ayon kay Atty. Michael Aguinaldo, chairperson of Philippine Corporation Commission, maraming mga konsiderasyon na dapat bigyang punto at tingnan ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Konstitusyon.

Nauna rito, sinabi ni Atty. Rene Sarmiento na isang bagay na dapat pag isipan at timbangin ang pag amyenda sa Saligang Batas para masigurong hindi malulugi ang ating mga kababayan.

Para sa ilang banyagang mamumuhunan tulad ni Florian Gottein, magbubukas ng pagbaha ng maraming opportunidad ang pagpapalit ng ilang probisyon pang ekonomiya sa ating Saligang Batas
Iba’t-ibang sektor ang naimbitahan sa pagdinig gaya ng Makati Business Club, the Philippine Chamber of Commerce and Industry, Management Association of the Philippines na pare-parehong naniniwala na napapanahon na upang amyendahan ang ating Saligang Batas.