illegal detention Pinagsabihan na lamang ni PLT Col. Rodel Borbe, Commander ng MPD Malate Police Station 9 ang mga naarestong mga kabataan na harapin nila ang kanilang kaso matapos na sila ay mahuli sa kasong serious illegal detention sa isang menor de edad na biktima. Kuha ni Jon-jon Reyes

8 tiklo dahil sa illegal detention

January 21, 2022 Jonjon Reyes 199 views

ARESTADO ang (8) walong pesonalidad kabilang ang tatlong menor de edad sa kasong serious illegal detention sa Malate, Manila, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga nahuling mga kabataan na sina Rafael Balubal, 20, ng 2317 Arellano St., Malate, Mitchell Sinones, 19, ng 2377 Champaca St., Malate, Jorjie Ann Domail,18, ng 128 Estrella St., Pasay City, at Shylla Mae Del Rosario 20, ng Pitimini St., Malate at 3 pang menor de edad na nasa kustodiya ng DSWD.

Sa bisa ng warrant of arrest na inihain ni Judge Roy Gironella ng Branch 43 RTC Manila at sa tulong ng mga impormasyon at kooperasyon ng ilang mga concerned citizens, natunton ng kapulisan ang mga tahanan ng mga suspek.

Sa ulat ni PLT. Col. Rodel Borbe, isang magulang ng menor de edad ang nagreklamo sa pagkupkop ng mga suspek at lumabas ang nasabing warrant noong December 2021 kung kaya’t agad na inaresto ang mga kabataan dahil kabilang rin ang mga ito sa listahan ng most wanted persons ng Malate Police Station 9.

Ito rin ay bilang pagsunod sa “OPLAN MANHUNT CHARLIE LOI 03-11” ng PNP sa kabuuan na tugisin ang mga nagtatago sa kamay ng batas at para mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima ng krimen sa pamamagitan na sila ay madala sa kulungan at managot sa ilalim ng batas.

Nanawagan din sa publiko si PB GEN. Leo “Paco” Francisco na patuloy na magbigay impormasyon sa sinumang nasa kanilang lugar na nagtatago na may mga warrant at maaaring ipagbigay alam sa aming himpilan o itawag ito sa kanilang mga contact numbers. Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE