8 stranded OFWs ni-repatriate mula Riyadh, Saudi Arabia sa tulong ng OFW Partylist
WALONG iba pang Overseas Filipino Workers (OFWs) ang na-repatriate ng pamahalaan sa pamumuno mismo ng OFW Partylist.
Nanguna sa tumulong sa kanila si OFW Partylist Rep. Marissa ‘Del Mar’ Magsino kung saan ay personal silang sinalubong nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong June 5, araw ng Lunes.
Nabatid na ang walong OFWs ay nagtrabaho sa Riyadh sa loob ng isa’t kalahating taon bilang tagapaglinis.
Noong Nobyembre 2022, illegal na tinanggal sila ng kanilang amo nang walang anumang pasabi.
Halos anim na buwang ‘strandred’ ang walo nating kababayan nang walang anumang pinagkakakitaan ất pinagkukunan ng pagkain o pang-araw-araw nilang pangangailangan.
Lumapit ang pamilya ng walong OFWs sa OFW Partylist na hindi nagdalawang isip upang agad silang i-rescue sa pamamagitan ng repatriation.
Mabilis nakipag-coordinate si Congresswoman Marissa sa Department of Migrant Workers (DMW), sa Migrant Workers Office (MWO) in Riyadh, at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang pauwiin agad sila sa Maynila.
Kasabay ng pag-rescue sa ating mga kababayan, nanawagan ang OFW Partylist sa DMW na paimbestigahan ang illegal na pag-terminate sa kontrata ng mga pobreng OFWs.
Dapat aniya ay may managot sa employer ng walong OFWs, ayon kay Congresswoman Magsino.
“It is unacceptable that our OFWs were not only wrongly terminated, but were also left to fend for themselves while stranded for six months. We should pursue appropriate legal actions or administrative sanctions against the recruitment agency here in the Philippines that disregarded the welfare of our kababayans. They have a responsibility to look after the welfare of the workers they send abroad. Also, the erring foreign company must no longer be allowed to hire Filipino workers lest a similar incident occur,” wika pa ng masipag na mambabatas.
Sa nakuha nating datos, may 93 distressed OFWs ang na-repatriate ng OFW Partylist simula pa noong July ng nakalipas na taon.
Kabilang na rito ang magkakasunod na pag-repatriate sa 35 fisherfolks noong March 15 to 19, 2023 mula naman sa Namibia kung saan ay biktima sila ng human trafficking.
Mayroon ding na-repatriate ang OFW Partylist na isang terminally-ill na OFW mula sa Bahrain last February 24, 2023.
Maraming salamat sa tanggapan ni Cong. Marissa dahil kahit papano ay nakahinga ng maluwag ang pamilya ng mga OFWs na hindi pinalad ang buhay sa kani-kanilang trabaho sa labas.
Tunay na sinsero ang kanilang adbokasiya na tulungan ang mga OFWs na tunay na bayanı ng bansa.