8 sabungero timbog sa Todos Los Santos

November 2, 2022 Jonjon Reyes 73 views

PINAGDADAMPOT ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District (MPD) sa walong sabungero sa aktong nagsusugal sa ilegal na sabong sa Aroma Compound, Barangay 105 Tondo, Maynila, araw mismo ng Undas (Nobyembre 1) ng umaga.

Dahil dito, nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (d) Presidential Degree 448 Cockfighting Law of 1974 na inamiyendahan sa PD 1602 Illegal Gambling (Sabong o Tupada).

Ang mga suspek ay pawang residente ng nasabing compound sa Vitas, Tondo, habang nag-iisa lang ang residente ng Navotas City.

Base sa ulat ni P/Maj. Rommel Purisima, hepe ng DSOU, bandang 10:30 ng umaga, nang salakayin ang nasabing lugar dahil sa ilegal na tupada.

Ang mga natimbog na sabungero ay pawang nasa hustong edad.

Ayon kay Purisima, inakala ng mga residente na abala ang kapulisan sa pagbabantay sa seguridad na magtutungo sa sementeryo kaya sinamantala ng mga organizer na libre sila sa huli.

Nakarekober ng halagang P4,260 sa iba’t-ibang denominasyon at mga gamit sa sabong para gawing ebidensiya.

Dahil dito, pinapurihan ang buong miyembro ng DSOU, sa pangunguna ni Purisima ni MPD (Manila Police District) Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon sa patuloy ang pinaiiral na Simultaneuos Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) at ang programa ni NCRPO Chief Jonnel Estomo ang S.A.F.E. (“Seen, Appreciated and Felt by the people through Extraordinary actions”).

AUTHOR PROFILE