Calapan

8 brgy sa Calapan binigyan ng tractor, rice harvester ng DA-PhilMech

November 30, 2023 Jojo C. Magsombol 115 views

ORIENTAL, Mindoro–Walong barangay sa Calapan City ang nabigyan ng four-wheel tractor at rice harvester ng Department of Agriculture-PhilMech sa ilalim ng Rice Competitive Enhancement (RCEF) Mechanization Program sa pangunguna ni Mayor Marilou Flores-Morillo sa Kalap Court, City Hall noong Martes.

Nabiyayaan ng rice combined harvester ang mga farmers’ association ng Brgy. Balingayan, Baruyan, Batino, Canubing 1, Gulod Managpi at Sta. Isabel. Nakatanggap naman ng four wheel tractor ang mga farmers’ association ng Brgy. Balingayan. Bayanan II at Gulod.

Naisagawa ang distribution ng mga gamit pansakahan sa pangangasiwa ng City Agricultural Services Department sa pamumuno ni City Agriculturist Lorelain Sevilla.

Dumalo sa pamamahagi sina City Administrator Atty. Reymund AI F. Ussam, Councilor Atty. Jel Magsuci at Committee Chairman on Agriculture Councilor, Charles Pansoy gayundin ang mga kinatawan mula sa DA-PhilMech sa pangunguna ni Engr. Nino Bengosta, isang senior science research specialist.

Nagpasalamat ang mga kasapi ng samahan para sa kanilang natanggap na gamit na binigyang katuparan ng Calapan City sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa DA-PHilMech.

AUTHOR PROFILE