Martin5 CARD – Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) Program para sa 3,000 benepisyaryo sa Tacloban City Astrodome umaga ng Biyernes. Ito’y inisyatiba ng Kamara de Representantes at Department of Social Welfare and Development para tulungan ang mga mahihirap, senior citizen, PWD, solo parent at indigenous people sa gitna ng pagtaas ng presyo ng bilihin. Naroon din ang 241 district at party-list na miyembro ng Kamara, kasama sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe at Minority Leader Marcelino Libanan, si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan. Kuha ni VER NOVENO

8.5K EV folk nakatanggap ng bigas, tulong pinansyal

August 2, 2024 Ryan Ponce Pacpaco 111 views

Martin4Martin6Martin7Sa regionwide payout ng MEGA BPSF

KABUUANG 8,500 na benepisyaryo mula Eastern Visayas ang nabigyan ng bigas, educational at livelihood assistance sa ilalim ng tatlong programa na isinulong ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, alinsunod sa pagnanais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na matulungan ang mga nangangailangang sektor na hindi sakop ng social protection programs ng pamahalaan.

Si Speaker Romualdez ang nasa likod ng Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) Program; Start-up, Incentives, Business Opportunity and Livelihood (SIBOL); at Integrated Scholarship and Incentives for the Youth (ISIP for the Youth).

“Kapag may Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa isang lugar, isinasabay na rin natin ang CARD, SIBOL, at ISIP para matulungan natin ang mga sektor na hindi man nakasama sa 4Ps program ay alam nating nahihirapan sa hamon ng pangaraw-araw na pamumuhay,” sabi ni Speaker Romualdez

“Kaya naman naisipan nating ilunsad itong tatlong programang ito para matulungan ang mga sektor ng senior citizens, PWD, single parent, IPs, estudyante at maliliit na negosyante na apektado ng kahirapan. Ito po ang hangarin ni Pangulong Bongbong Marcos, ang maabot ang lahat ng kailangan ng tulong,” saad ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.

Ayon kay Speaker Romualdez, ang tatlong programa ay pinondohan sa pamamagitan ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang CARD Program ay isang rebolusyunaryong inisyatiba ni Speaker Romualdez na layong mabigyan ng bigas at tulong pinansyal ang mga pinakabulnerableng sektor ng lipunan sa mga legislative district ng Kamara.

Kabuuang 3,000 benepisyaryo sa Eastern Samar ang pinagkalooban ng tig-P5,000 at 20 kilo ng bigas sa isang simpleng seremonya sa Tacloban City Astrodome ngayong Biyernes.

Hindi lang basta pinalalakas ng CARD program ang purchasing power ng publiko, ngunit nagsisilbi ring panlaban sa hoarding at price manipulation ng bigas para ibsan ang epekto ng mataas na presyo nito at magkaroon ng katatagan ng ekonomiya para sa benepisyo ng mga Pilipino.

Tinutulungan naman ng SIBOL Program ang mga maliliit na negosyo mula sa mataas na presyo ng kalakal.

Isinusulong nito na matulungan ang mga maliit na negosyo at tugunan ang kahirapan at magbibigay ng pangmatagalang oportunidad na nakakatulong sa pagpapalakas ng ekonomiya at katatagan sa panahon ng kagipitan.

Nakatanggap ang 2,500 benepisyaryo ng tig-P5,000 na financial aid at 5 kilong bigas na isinagawa sa HRDC Alba Hall, Leyte Normal University.

Mga mag-aaral naman sa kolehiyo na may kinakaharap na hamong pinansyal ang target tulungan ng ISIP for the Youth Program.

May 3,000 student-beneficiaries ang pinagkalooban ng tig-P5,000 cash aid at limang kilong bigas sa seremonyang ginanap sa Leyte Academic Center sa Tacloban City.

Ipapasok din sila sa Tulong Dunong Program (TDP) ng Commission on Higher Education (CHED) kung saan sila makakakuha ng scholarship assistance kada semestre na nagkakahalaga ng P15,000, at mabibigyan ng priority slots sa Government Internship Program (GIP) oras na magtapos.

Maliban dito, ang kanilang mga magulang o guardian na walang trabaho ay ipapasok naman sa TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

“Basta may BPSF, isisingit na rin natin ang CARD, SIBOL at ISIP programs para matulungan ang lahat ng sektor. Sa ilalim ng Bagong Pilipinas campaign ng ating Pangulo, kasama ang lahat sa pag-unlad at direkta ang suporta at serbisyong ibibigay sa mga mamamayan,” ani Speaker Romualdez.

AUTHOR PROFILE